Pinas News
MULING susubukan ng Pinay Skateborder at Asian Games Gold Medalist na si Margielyn Didal ang kaniyang galing at swerte sa skateboarding competition.
Nakatakdang lumahok si Didal sa darating na 2019 season of the Street League Skateboarding Tournament.
Ang Street League Skateboarding Competition ay mabibilang na pinakakilalang professional tournament na nilalahukan lamang ng mga pinakamagagaling na skateboarders.
Ayon pa sa mga lumabas na report, lumipad na papuntang Amerika si Didal, kamakailan para doon mag-ensayo.
Pagkatapos ng magiging training ni Didal ay lilipad naman ito papuntang Brazil para sa SLS competititon na magiging daan din niya para sa nalalapit na 2020 Tokyo Olympics.