MALINAMNAM na processed foods.
Ni: Vick Aquino Tanes
BAGONG taon. Asahan na maraming pagkain ang nakahain ngayon sa mesa bilang pagsalubong sa bagong taon.
May putaheng hamon, bacon, hotdogs at iba pang processed foods na tulad ng tocino at longanisa. Alam n’yo bang nakasasama ito sa katawan. Ang pagkain ng processed meat ay may malaking sintomas ng pagkakaroon ng cancer, heart disease at diabetes.
Base sa pag-aaral ng mga researchers ng Harvard School of Public Health, nasa mahigit 110,000 katao ang kumain ng ilang piraso ng bacon o isang hot dog sa isang araw ay tumaas ang kanilang mortality rate ng 20 percent sa loob ng 20-taon.
Ang isang maliit o three-ounce serving of red meat sa loob ng isang araw ay nagpapataas ng mortality rate ng 13 percent o dili kaya ay mataas ang tsansang maagang mamatay dahil sa pagkakaroon ng mga sakit.
Kasabay nito ang pag-aaral sa pagkain ng karne ng manok o gulay bilang kapalit ng processed foods. Ikinagulat ng mga researchers ang malaki ang kaibahan nito dahil mababa lamang ang naging tsansa ng kanilang mortality rate dahil ang pagpili sa pagkain ng karne ng manok kumpara sa procesed foods ay mas tumatagal ang buhay dahil mababa lamang sa cholesterol at fats ang manok.
Base pa sa pag-aaral, tinutukan nila ang pagkonsumo ng red meat, lalo na ang processed meat na base sa kanilang pag-aaral ay premature death ang kahahantungan nito. Ngunit ang pagpili ng mas masustansyang klase ng protina kapalit ng red meat ay nakapagpapababa ng tinatawag na chronic disease morbidity at ang maagang kamatayan.
Hindi naman po nakasasama ang pagkain ng processed foods basta limitado lamang sana ang pagkain at mas mainam na mas tangkilikin na lamang ang mga pagkain na sariwa.