Ni: Jonnalyn Cortez
HINILING ni Aiko Melendez at boyfriend nitong si Subic Zambales Mayor Jay Khonghun na sila na ang magkatuluyan habang buhay.
“Happy kami, kasi yun din naman ang gusto namin, kasi we’re not getting any younger,” pahayag ng aktres.
“And we’ve put so much efforts, tears, blood, sweat, everything in this relationship. So, we want to make this work.”
Sinang-ayunan naman ito ni Khonghun at sinabing sana’y maging “happily-ever-after” na ang kanilang pagmamahalan.
Mahigit isang taon nang magkarelasyon si Melendez at Khonghun.
Dagdag pa ng politiko, nasa punto na sila ni Melendez na wala na silang gustong alalahanin pa kundi ang maging masaya.
“And at the same time, ang dami na rin naman naming dinadaanang parehas. And hindi na rin naman kami bumabata. Nagkaka-edad na rin kami,” paliwanag nito.
“Gusto mo rin naman na magkaroon ng partner na stable na makakasama at makakasundo mo.”