ANO ang Kalooban ng Panginoon para sa Republika ng Pilipinas? Ang Kalooban ng Panginoon para sa Republika ng Pilipinas ay nais Niyang pagpalain kayo, ngunit kailangan ninyong makinig sa Kanyang boses at ang Kanyang boses ay sa pamamagitan ng Kanyang Hinirang na Anak.
Ayan nakikialam na ang Panginoon sa pulitika. Ang Amang Makalangit di sana dapat makialam sa pulitika dahil sekular ito sa ilalim ng pamumuno ni Satanas. Dahil ako ang namamagitan para sa Pilipinas, nais ng Panginoon na pagpapalain din kayo na katulad ko. Makinig muna kayo sa Kanyang boses. Nasa inyo na rin kung isantabi ninyo Siya katulad ng pagsantabi ng Israel ng kanilang Hari. Ano ang gagawin ninyo? Nasa inyong kamay.
ANG KAPANGYARIHAN NG PAGPILI
Kung ayaw ninyo sa gusto ng Diyos, wala Siyang magagawa, kahit Diyos pa Siya. Tingnan niyo sa Israel, kanilang isinantabi Siya bilang Hari, may nagawa ba Siya? Kahit Diyos Siya, hindi Siya namimilit. Siya ay isang maamong Panginoon. Hindi Niya ipilit ang Kanyang daan sa inyo dahil kung Kanyang ipilit ang Kanyang daan sa inyo, iyan ay panggagahasa na at hindi iyan ang Kanyang ugali. Ikakaila ng Panginoon ang kanyang kaugalian bilang Panginoon kapag pipilitin Niya kayo sa isang bagay na hindi ninyo gusto, dahil binigyan Niya kayo ng kapangyarihan sa pagpili.
Sa krus nga ay isinantabi siya ng mga tao. Dumating si Jesus Christ. Sinabi Niya, “Ako ang inyong Hari. Ako ang Hari ng mga Hudyo.” Sabi ng mga Hudyo, “Walang katuturan!” Siya ay dumating. Siya ang Hari ng mga Hudyo. Ano ang ginawa nila sa Kanya? Inihalal ba nila Siya? Hindi. Hindi nila inihalal Siya. Nais nila Siyang hirangin dahil binigyan Niya sila ng pagkain, binigyan sila ng pera, ng tinapay, pinakain sila. Mga sunod-sunod na milagro. Isipin ninyo 12, 000 katao, limang libong lalaki at dumagdag sa bilang ang mga babae at mga bata. Pinakain Niya sila lahat mula sa dalawang isda at limang tinapay. Kaya sila ay nagkaisa. Pagkatapos ay pinuntahan nila si Jesus Christ, “Sige, sige, Ikaw ang magiging Hari namin…basta pakainin mo kami lagi.” Ngunit hindi nagpaunlak si Jesus Christ. Iyan ay kapangyarihan ng tao. Hindi Siya dumating upang matamo ang kapangyarihan ng tao. Siya ay dumating sa kapangyarihan ng Panginoon.
ANG KATUTURAN NG PAGDATING NG PANGINOON SA LUPA
Nakita Niya ‘yun. Ang mga tao, malaking pulutong sa kanila ay nagsimulang sumusunod sa Kanya. Nakita Niya iyun at nagsabi, “Sige, dahil gusto ninyo ako. Magsisimula akong magturo sa inyo sa aking ideyolohiya.” Nagsimula Siyang magturo sa kanila ng Salita ng Panginoon. “Huwag muna ‘yung milagro. Huwag muna ‘yung patungkol sa dalawang isda at limang tinapay. Makinig muna kayo. Ito ang tunay kong pakay dito. Kalimutan natin ang dalawang isda at limang tinapay. Ito ang tunay kong hangarin sa pagdating –upang turuan kayo hinggil sa Kalooban ng Dakilang Ama.”
Kaya nagsimula Siyang turuan sila, “Magsisi! Magsisi! Sapagka’t malapit na ang Kaharian ng Langit. Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit. Ang kumain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan.” Nakinig sa Kanya ang mga tao, itong mga nais na sumunod sa Kanya at masumpungan ang mga himala na Kanyang ginagawa. Nagsimula silang makinig sa Kanya ng masinsinan, nagsimulang hindi nila maintindihan ang Kanyang mga sinabi sa espiritu. Nang sinabi Niya, “Ako ang tinapay na bumabang galing sa langit. Kapag kumain kayo ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan,” nagbubulungan sila at nagsabi, “Ang hirap intindihin. Siya ay naghahalusinasyon. Ang taong ito ay delusyonal.”
Nagbubulungan sila sa bawat isa, “Ang hirap ng mga salitang ito. Sino ang makasusunod nito?” Isa-isa sa kanila ay tumalikod kay Jesus Christ dahil nagsimula Siyang magpakain ng tunay na tinapay sa kanila. Walang natitira maliban sa labin dalawa. Tumingin si Jesus Christ at nagsabi…may labingdalawa. Mula sa labingdalawang libo sa labindalawang natira. Pagkatapos ay sinabi Niya sa labindalawa, “Tatalikuran niyo rin ba ako?” Nagsabi ang tagapagsalita ng labindalawa na si Pedro, “Panginoon, saan kami magsisiparoon? Kayo lamang ang may mga Salita ng buhay na walang hanggan.”
Juan 6:63-68
63: Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay.
64: Datapuwa’t may ilan sa inyong hindi nagsisisampalataya. Sapagka’t talastas na ni Jesus buhay pa nang una kung sino-sino ang hindi nagsisisampalataya, at kung sino ang sa kaniya’y magkakanulo.
65: At sinabi niya, Dahil dito’y sinabi ko sa inyo, na walang taong makalapit sa akin, maliban na ipagkaloob sa kaniya ng Ama.
66: Dahil dito’y marami sa kaniyang mga alagad ay nagsitalikod, at hindi na nagsisama sa kaniya.
67: Sinabi nga ni Jesus sa labingdalawa, Ibig baga ninyong magsialis din naman?
68: Sinagot siya ni Simon Pedro, Panginoon, kanino kami magsisiparoon? Ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan.
Kapag tuturuan ninyo ang tao patungkol sa tunay na katuturan kung bakit ako ay narito, bilang isang Hinirang na Anak ng Panginoon, ayaw nila itong pakinggan. Sino ang nadadakila sa mga kagalingan. Hindi si Jesus Christ dahil nakalimutan ang Kanyang pagliligtas. Ang Kanyang mga Salita ay nakalimutan. Ang dalawang isda at limang tinapay ay mga himala sa pagpapakain ng labindalawang libo. Nalalaman ng Ama ang kanilang mga puso, na mananatili lamang sila hangga’t nakikita nila ito. Ngunit ang mahalagang bagay ay ang katuturan kung bakit Siya ay dumating. Dumating Siya upang pakainin sila ng tunay na manna na siyang ang Salita ng Panginoon; sumunod at tumalima sa Salita ng Panginoon. Nang kanila itong narinig, ayaw nila ito.
Ang mga tao sa mundo ng relihiyon ay gusto ng mga rituwal. Gusto nila ng panatisismo; wala na silang obligasyon at responsibilidad. Hindi nila isusuko ang kanilang pagiging diyos sa kanilang sarili. Ngunit sinabi ng mga disipulo, “Saan kami magsisiparoon? Kayo lamang ang may mga Salita ng buhay na walang hanggan?” Mabuti ang pagkakasabi dahil ito’y bakit ako narito bilang Hinirang na Anak ng Dakilang Ama – mga Salita ng Dakilang Ama.
ANG PAGTAKWIL SA AKIN AY PAGTAKWIL SA AMA
Ngayon ay dumating Siya sa Hentil na Kapanahunan, gamit ang ibang katawan – ang katawan ng isang Hentil, ngunit parehong mga Salita. Masaya ako ngayon, dahil marami man ang tumakwil sa Hinirang na Anak, mas marami naman ang tumanggap ng aking mensahe ito ay ang mga anak na lalaki at anak na babae ng Dakilang Ama.
Mga mamamayan sa Pilipinas, kapag itinakwil ninyo ang aking boses, hindi ako ang itinakwil ninyo, itinakwil ninyo ang Panginoon, kagaya ng pagtakwil nila sa Kanya sa Lumang Tipan. Iyan ay Biblical. Tingnan ninyo kung ano ang sinabi Niya sa propeta.
“…sapagka’t hindi ikaw ang kanilang itinatakwil, kundi itinatakwil nila ako…”
**********WAKAS********