Ni: Jonnalyn Cortez
MAGSASANIB pwersa si Piolo Pascual, Joyce Bernal at Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat upang ikampanya ang responsible tourism sa bansa.
Lumapit si Pascual at Bernal kay Puyat upang pag-usapan kung paano sila makakatulong na magpalaganap ng impormasyon ukol sa turismo gamit ang kanilang mga social media accounts.
“I was surprised, one day Joyce was calling me and she was with Piolo pala,” paghahayag ni Puyat.
“We will be meeting again to talk about it. Both are so concerned about Sagada. But we agreed to make it for the whole country. Joyce has 15 projects for next year, but she and Piolo will make time just for this.”
Ipinakita ni Pascual at Bernal ang kanilang hangarin na maranasan ng marami pang turista ang ganda ng Sagada sa Instagram Stories ni Puyat.
“Pag pumunta ka ng Sagada, gusto mong mag-create, mag-isip ng pelikula, you wanna be creative, you wanna be free. So sana ma-experience nila na when you go to Sagada, you go back to nature,” pahayag ni Bernal.
“Parang kailangan mo ma-experience bakit sila ganun, and you respect.”
Dagdag naman ni Pascual na hindi lamang para ipakita ang mga OOTD or outfit of the day ng mga bumibisita ang rason kung bakit sila pumupunta sa lugar.
“You respect nature. You respect your environment. It’s not about the OOTDs,” sabi nito.
Photo caption: Piolo Pascual at Joyce Bernal