Government employees maaaring matanggap ang umento sa sahod sa Pebrero.
Ni: Jonnalyn Cortez
UMIIGTING ang bangayan ukol sa pagbibigay ng umento sa sahod nang mabigo ang pamahalaan na ipatupad ito sa umpisa ng taon.
Budget Secretary Benjamin Diokno inihayag na mailalabas lamang ang fourth tranche ng salary increase kapag naaprubahan na ang 2019 budget.
House Minority Leader Rolando Andaya Jr. pilit na inaatasan ang Department of Budget and Management (DBM) na maglabas ng pera para sa umento sa sahod.
Umabot na ang usapin sa Supreme Court nang iminungkahi ni House Minority Leader Rolando Andaya Jr. sa korte na pilitin ang Department of Budget and Management (DBM) na ilabas ang pera para sa karagdagang sahod ng mga empleyado ng gobyerno.
Nakatakda dapat ang fourth tranche ng salary schedule noong Enero 1, ngunit hindi ito napatupad dahil gumagamit pa rin ang pamahalaan ng re-enacted budget pagkatapos mabigo ang Kongreso na ipasa ang P3.757 trilyon na proposed national budget ngayong 2019 bago matapos ang nakaraang taon.
Dati ng inanunsyo ni Budget Secretary Benjamin Diokno na ang fourth tranche ng pay hike ay mailalabas lamang kapag naisabatas na ang 2019 General Appropriations Act (GAA). Sinabi rin nito na maaaring mapirmahan na ang budget para ngayong taon sa unang linggo ng Pebrero, na siya namang kukunan ng pondo para sa umento sa sahod.
Pangulong Rodrigo Duterte muling pinangakuan ang mga teachers ng umento sa sahod.
Paggamit ng MPBF
Sa hinaing ng petisyon para sa mandamus, sinabi ni Andaya na maaaring gamitin ng gobyerno ang Miscellaneous Personnel Benefits Funds (MPBF) sa ilalim ng 2018 GAA.
Ipinaliwanag ng kinatawan ng unang distrito ng Camarines Sur na mayroong pondong P99.4 bilyon ang MPBF. Sa ilalim nito, may nakalaang P62.8 bilyon para sa “payment of compensation adjustment” at P12.3 bilyon naman para sa “funding requirements for staffing modifications and upgrading and salaries” na maaaring gamitin para sa dagdag na sahod.
“These two allotments alone have a total sum of P75,169,215,000, which can be used to cover the fourth tranche salary increase and adjustment,” wika nito.
Ipinunto rin niyang nangangailangan lamang ang fourth tranche ng salary increase and adjustment ng P42.7 bilyong pondo ngayong taon.
Kinontra naman ito ni Diokno at binigyang-diin na hindi nila kayang pilitin siya na gawin ang isang bagay na maituturing na “unconstitutional” o labag sa batas.
Pilit na ipinaliliwanag nito na walang ligal na batayan ang paglalabas ng fourth tranche ng umento sa sahod habang nakabinbin pa ang pagsasapasa ng 2019 budget.
Walang ligal na basehan
Maraming kongresista ang humihimok kay Diokno na ipasa ang fourth at huling tranche ng Salary Standardization Law noong Enero 15 dahil maaari naman daw itong gawin kahit di pa naisasapasa ang 2019 budget.
Tinanggihan naman ng ekonomista ang mga mungkahi at sinabing “unconstitutional” ito.
“The DBM cannot implement the scheduled hike in 2019 without a legal basis. Section 11 of Executive Order No. 201, series of 2016 said the implementation of the salary schedule is subject to the appropriations by Congress,” pahayag nito.
“Section 15 of the same executive order identify the funding source that the DBM shall be authorized to implement or adjust the compensation corresponding to the appropriations in the GAA.”
Dagdag pa nito, sakop lamang ng extension ng 2018 budget validity and “capital outlay, maintenance,” at iba pang operating expenses. Hindi naman kabilang dito ang personnel services.
“Our best option is to wait for the budget to be passed,” mungkahi ni Diokno.
Ibig sabihin lamang nito, naka-base pa rin sa “2018 levels” ang pasahod sa mga empleyado ng gobyerno sa ngayon.
Paghintay sa pagpasa ng 2019 budget
Ayon sa DBM, nagkakahalaga ng P40 hanggang P50 bilyon ang fourth tranche of increases sa ilalim ng Salary Standardization Law.
Sinabi naman ni DBM Assistant Secretary Myrna Chua na ang umento sa sahod ay maaari lamang mapondohan sa ilalim ng GAA.
“All (government) jobs are covered by the Salary Standardization Law. There are some GOCCs (government-owned or -controlled corporations) covered also by the SSL. Our estimate is around P45 to P50 billion,” paliwanag nito sa isang press conference.
Halos 1.3 milyong kawani ng gobyerno sa buong bansa ang makakatanggap ng salary increase.
Tinukoy naman ni Diokno ang Executive Order 201 series of 2016 na nagsasabing ang pagsasabatas ng salary adjustment ay “subject to appropriations by Congress.”
“This is the legal basis for the grant of the salary increase in four tranches from 2016 to 2019,” pagsang-ayon naman ni Chua.
Pinangako naman ni Diokno na maipapatupad na ang umento sa sahod sa darating na Pebrero at matatanggap na ng mga manggagawa ang kanilang “salary differential.”
“With pronouncements from Congress that budget bill will be their top priority upon resumption next week, we expect the GAA to be signed first week February,” pagtitiyak nito.