Ni: Kristine Joy Labadan
INILABAS kamakailan ng Samsung ang bago nitong dating app na maikukumpara sa Tinder na hinaluan ng kakaibang feature ng Samsung.
Ang Refrigerating app ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga single na babae’t lalaki upang makilala ang mga maaari nilang matipuhan kung ano nga ba ang laman at nakalagay sa mga kanya-kanyang refrigerators ng mga ito.
“Simply upload an image and let the world know what kind of person you are,” ayon sa isinisaad na panuto ng app. “Refrigerdating will then hook you up with a variation of fridges, of different tastes, to pick and choose from.” dagdag pa nito.
Maliban pa rito ay mayroon ding nakakatuwang suhestyon ang kumpanya patungkol sa mas nakaka-enjoy na paggamit ng kanilang app na sinasabing: “Don’t narrow it down to fridges looking just like yours. Remember it’s the unexpected mixes that makes the three star restaurants.”
Isang hot air balloon, nag-landing sa kapitbahayan
MASWERTENG nag-emergency landing ang isang hot air balloon sa isang kapitbahayan sa California at naiwasan ang ilang gusali na ilang talampakan lamang ang layo mula sa pinagbagsakan nito.
Ayon sa Murrieta Police Department, napilitan ang balloon pilot na mag-emergency landing dahil sa hindi magandang panahon at malakas na ihip ng hangin.
Isang larawan ang ibinahagi ng departamento kung saan makikita ang air balloon na may ilang talampakan na layo lamang mula sa isang bahay.
Base kay pilot Brian Lynch, nagawa niyang maghagis ng lubid sa mga tao na nasa baba na siya namang tumulong upang makapag-landing ang air balloon.
Piano na gawa sa saging, ginawa ng mga estudyante
ANG mga kalahok na estudyante na sumali sa isang pista na patungkol sa teknolohiya sa Kazakhstan ay malikhaing gumawa ng isang instrumentong gawa sa saging.
Ang nasabing piano na gawa sa ilang mga saging ay nagpapakita ng nakapilang mga nasabing prutas na naka-konekta sa mga electronic components na naka-konekta rin naman sa isang computer.
Sa pamamagitan lamang ng pagpindot sa bawat saging ay makakalikha ka na ng tunog na ‘tulad ng maririnig sa isang piano