Pinas News
Sa East Africa, magsasagawa ng mass killing ng mga hippopotamus ang Zambia simula sa darating na Mayo ayon sa State Officials at Wildlife Ministry ng nasabing bansa.
Sinabi naman ng Tourism Ministry, nasa 2,000 hippopotamus ang maaaring mamatay sa loob ng limang taon.
Isasagawa ang naturang mass killing sakabila ng pag-apela ng ilang mga animal rights groups kabilang na ang UK-based organization na Born Free na nanawagan kay Zambian President Edgar Lungu na agarang ipatigil ang nasabing aktibidad.
Sa pahayag ng Born Free ay walang scientific evidence ang Wildlife Ministry ng Zambia na overpopulated ang mga hippos at sobrang mababa ang water levels sa bansa para mabuhay ang mga ito.
Wala rin umanong ebidensya ang Tourism Ministry na nakatulong sa pagbaba ng populasyon ng mga hippos ang pagpatay sa mga ito.
Wala pa namang komento ang nasabing ahensya tungkol rito.