Pinas News
NAGDESISYON ang Venezuelan Miss Universe 2013 na si Gabriela Isler na sumabak sa showbiz sa Pilipinas.
Magiging business manager ni Gabriela ang talent manager at Miss World Philippines National director na si Arnold Vegafria.
Ibinahagi naman ni Arnold na may dalawa o tatlong endorsement deals na nakahain para sa 30-year old beauty queen.
Say naman ni Gabriela na love niya ang hosting kaya nais niyang magkaroon ng sariling talk show na magsisilbing inspirasyon sa mga kababaihan at sakaling mabigyan ng pagkakataon ay nais ni Gabriela na makapanayam ang current Miss Universe Titleholder na si Catriona Gray sa kayang talk show.