ANG makisig na tindig ni Lapu-lapu na siyang nakipagdigma kay Magellan.
Ni: Eugene Flores
LIKAS na kilala ang archipelago ng Pilipinas sa bukod tangi nitong bahagi, ang Cebu.
Dinarayo ng mga turista mula sa iba’t ibang dako ng Pilipinas at maging mga banyaga ang Cebu City na popular dahil sa mga beach nito.
At kung sakaling mapadpad dito, mayroong isang lugar na hindi dapat makaligtaan bisitahin upang masulit ang ganda ng Cebu, ito ay ang isla ng Mactan kung saan matatagpuan ang Cebu International Airport. Kaya sa mismong paglapag pa lamang ay maari nang mapuntahan ang mga magagandang destinasyon sa isla.
MAG-snorkeling sa mga marine sanctuaries sa isla.
Halina’t alamin ang mga pinagmamalaking lugar ng isla ng Mactan.
Kilala ang Mactan bilang isang coral island kung kaya’t patok at pinagmamalaki ng mga taga roon ang kanilang diving at snorkelling activities.
Mayroong kilalang mga diving spot sa isla na kakikitaan ng mga lamang dagat na bihirang makita sa ibang lugar, bukod dito maari ring mas lumalim ng 20 metro ang sisid kung ang hanap ay adventure.
Bukod dito, maari ring mag water sport pa sila, patunay na hindi lamang sagana sa mga coral ngunit pati sa mga liguan.
Matapos ang nakakapagod ngunit nakakaaliw na pagsisid sa karagatan at sanctuario ng Mactan, maaring magpahinga sa mga bungalow sa isla na tanging hampas ng alon at ihip ng hangin ang maririnig.
MAAARING mag island hopping sa mga karatig isla ng Mactan.
Upang muling mapagmasdan ang buong isla, maaring magtungo sa Scape Skydeck kung saan matatanaw ang buong isla, tampok para sa mga turistang mahilig sa selfie at photography.
Syempre, hindi rin papahuli sa mga nakatakam na putahe ang lugar, magtungo lamang sa Lantaw Native Restaurant at mabubusog hindi lamang ang inyong tiyan kundi pati mga mata. Binibisita ito ng mga magkasintahan upang pagmasdan ang kalangitan habang ninanamnam ang iba’t-ibang pagkain.
At hindi papahuli ang istatwa ni Lapu-Lapu na kilala bilang magiting na bayani na lumaban sa mga kastila taong 1521. Ang 20 metrong istatwang gawa sa tanso ay tiyak na hindi pinalalagpas ng mga turistang napapadpad sa lugar dahil sa malawak na kasaysayan at kahalagahan nito sa ating bansa.