KAYA sinasabi nila, “Katawan ko ito. Maaari kong gawin ang anumang kagustuhan ko dito,” dahil iyan ang doktrina ni Satanas na si Lucifer ang demonyo. Walang Panginoon sa kanila. Hindi nila ‘yan nalalaman.
Kaya, nakita ninyo na sa kanya ang lahat. Nagawa lamang iyan ni Satanas sa pamamagitan ng paglinlang. Kaya ngayon na tapos na ang paglilinlang at Kanya akong tinawag na Kanyang Anak, pumalit ako kay Adan ngunit wala na ‘yong binhi ng ahas at ito ang ganap na orihinal na plano ng Panginoon. Ito ay bumalik na sa mundo ngayon at sisimulan ko ang pag-angkin sa lahat ng ari-arian ng Ama na para lamang sa Kanya at sa Kanya lamang.
ANG ANAK ANG BAGONG MAY-ARI NG MUNDO
Psalm 8:4-8:
b-4 Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
b-5 Sapagka’t iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang sa Dios, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian ng karangalan.
b-6 Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
b-7 Lahat na tupa at baka, Oo, at ang mga hayop sa parang;
Lahat ng tupa, sa akin ‘yan! Lahat ng baka, isauli ninyo lahat sa akin. Lucifer, magdahan-dahan na, ibalik ‘yan lahat dahil hindi ‘yan sa iyo.
Lahat ng hayop sa kagubatan hindi nakakilala sa akin. Kapag pupunta ako, makikilala nila ako, “Oy…ito ‘yong bagong May-ari ng sanlibutan.” Ngayon ang lahat ay pinagmamay-ari ni Satanas dahil nalinlang niya. Iyong mga anghel niya, binigyan niya lahat, “Ikaw, diyan ka sa kagubatan, ikaw diyan ka sa bundok, ang lahat ng hayop diyan sa ‘yo ‘yan.” Ngayong nandito na ako, ang pagmamay-ari ay maililipat na.
b-8 Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda, anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.
Lahat ng lumilipad, lahat ng isda sa dagat. Lahat ng dumadaan sa dagat ang Anak na ang May-ari sa lahat ng iyan. Ako ang Bagong May-ari ng lahat ng iyan. Satanas na si Lucifer ang demonyo, umalis ka!
ANG PAGHIHIWALAY MULA SA PAGMAMAY-ARI NG PANGINOON
Ano ang ginawa ng tao upang humantong sa paghihiwalay sa pagitan niya at ng kanyang Tagapaglikha?
Nang dininig ni Adan ang boses ng ahas sa halip na sumunod sa kautusan ng Dakilang Ama, hindi na siya pinagmamay-arian ng Dakilang Ama ngunit pinagmamay-ari at sa ilalim na ng kontrol ni Satanas na si Lucifer ang demonyo. Naiwala ni Adan ang kanyang pagkaanak kung kaya ay naiwala niya ang pagkahari sa lahat ng mga nilalang.
Iyan ang sinasabi ko sa inyo sa aking mensahe. Siya ay bumalik na pulubi. Wala nang naiwan sa kanya na para sa Panginoon. Nandiyan pa rin ang tao. Pero ang taong iyan ay hindi na pag-aari ng Panginoon; pag-aari na ni Satanas. Kaya noong dumami sila, anak silang lahat ni Satanas at sila ang namamahala sa sanlibutang ito, ayon sa kanyang kagustuhan kasi ginawa silang diyos, ang bawat isa sa kanila. Si Satanas ‘yan, pamamahala ni Satanas ‘yan. Tingnan ninyo ang labas ng Kaharian, ‘di ba puro kaguluhan? Puro basura. Puro kawalang-hiyaan ang nangyayari. ‘Yan ba ang gusto ng Diyos na pamamahala ng sanlibutang ito? Hindi. Kaya, dahan-dahan gumawa Siya ng paraan hanggang sa makakita Siya ng isa mula sa nagkasalang lahi ni Adan upang siyang hahalili kay Adan na siyang magmamay-ari.
Kaya noon ibinigay ko ang sarili ko sa Kanya sa pamamagitan ng aking pagpili, sabi ko, “Ama nandito ako. Gamitin Mo ako.” Ako ang una sa nagkasalang lahi ni Adan na naging Anak Niya, at sa pamamagitan ko, ang Pagmamay-ari ng Mundo ay maibabalik. Nawala mula kay Adan ‘yon. Nawala lahat at nandoon na kay Satanas at ngayon, ang tao na dapat ang may-ari at mamamahala ayon sa Kalooban ng Ama, namamahala nga siya pero alipin siya ni Satanas at ang kagustuhan ni Satanas ang kanyang sinusunod. Kaya tingnan niyo ang buong sanlibutan, puro kaguluhan. “Sige, mag-away kayo, magpatayan kayo. Sige pa! dagdagan niyo pa!” ‘Yan ang gusto ni Satanas.
ANG BAGONG PAGMAMAY-ARI NG SANLIBUTAN
Pero tingnan ninyo, sa Bagong Pamamay-ari, sasabihin ko sa inyo, ito ay nagsimula sa Kaharian sa ilalim ng aking pamumuno, sa ilalim ng aking pagmamay-ari at nakita ninyo ang nangyari dito. Kung ang lahat sa mundo ay magiging kagaya natin, at mangyayari ‘yan sa darating na panahon gugustuhin man nila o hindi dahil isang maluwalhating katawan ang mamumuno sa kanila.
Ito namang mga anak ni Satanas, pagka narinig nilang ako ang may-ari ng buong sanlibutan, umiiyak, “Hindi totoo ‘yan! Hindi totoo ‘yan!” Sige, iyak pa. Kahit ubusin niyo pa ‘yong luha niyo, totoo ‘yan!
Genesis 3:15: “At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kanilang sakong.
Ano ang awayan sa pagitan ng ahas at ng babae? Ang babae ay ang Bagong Herusalem, ang ating Ina na may tanging pusong sumusunod sa Kalooban ng Ama. Iyan ay ang binhi. Sino ang binhi? Ako at ang binhi ng ahas – ito ay iyong mga hindi nakapagsisisi, at kilala ninyo sila. Lahat ng bumabatikos sa akin, lahat ng nag-uusig sa akin, lahat ng umaalipusta sa akin- iyan. May away ‘di ba? Sa pagitan ng binhi ng babae at binhi ng ahas, ‘di ba may away? Tingnan ninyo ang pagbatikos, mga maling alegasyon, pag-uusig kung ano nalang ang ibabato sa akin. Sige pa, dagdagan niyo pa.
…. ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kanilang sakong…
Tingnan ninyo, tinutuka ako palagi dito ‘di ba? Dito sa sakong ko, tinutuka ako. Bago na naman akong tinuka doon sa Hawaii. Basta mga akusasyon, maling alegasyon, tuka ng ahas ‘yan. ‘Pag tuka ng ahas, ‘yong mga anak ng binhi ng ahas sasabihin, “Yey! Mamatay ka na. Poison ‘yan. Yey!” Pagkatapos, “Oy…buhay pa.”
(ITUTULOY)