Pinas News
BAGO pa man sumapit ang bakasyon ng mga mag-aaral sa eskuwela ay inilunsad na ng MILO Philippines ang 2019 MILO Summer Sports Clinics sa KidZania Manila, Bonifacio Global City, Taguig. Bukod sa nagbibigay ng nutritious energy ang MILO ay hinihimok pa nito ang mga bata na makilahok sa iba’t ibang sports.
Sa pamamagitan ng kampanyang “Get Your Child into Sports,” ang MILO Summer Sports Clinics, ay hangad na maipalaganap ang kahalagahan ng sports sa bawat bata.
“Getting children involved in sports would be a more enjoyable and productive way to healthy living,” sabi ni Willy De Ocampo, business unit manager ng MILO Philippines.
“We believe that physical and social development lay the foundation for a child’s growth, which is why our MILO Summer Sports Clinics teaches children the fundamentals of various sports in a unique and scientific way and helps them develop character-forming values.”
Sa Year of the Pig, bukod sa Luzon ang Summer Sports Clinic ay gaganapin na sa buong Pinas para sa mga young athletes mula sa Visayas at Mindanao region. Ang sports clinics ay magsisimula sa Marso sa mahigit 700 venues para sa 30,000 na mga bata.
Ilan sa mga sports na pwedeng salihan ng mga bata ay ang arnis, ultimate frisbee, at wushu na idinagdag ngayong taon. Isama pa ang training sa different sports disciplines tulad ng badminton, basketball, chess, fencing, football, futsal, golf, gymnastics, karatedo, lawn tennis, parkour, swimming, table tennis, taekwondo, touch rugby, at volleyball.