ANG ministeryo ng Bansang Kaharian ng Hinirang na Anak ay naghahatid ng Salita ng Dakilang Ama bilang manna ng kapahayagan ay naglalakbay ng napakabilis na walang makakapigil. Ito ang gawain ng Dakilang Ama dito sa sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang Hinirang na Anak.
Sinabi ko sa inyo, sa Covenant Mountain na ‘yan ay natalo ko si Satanas na si Lucifer ang demonyo na siyang nagmamay-ari sa sanlibutan noon. Ito ay pagmamay-ari sana ng Dakilang Ama, sa pamamagitan nina Adan at Eba. Ngunit sa pamamagitan nina Adan at Eba na nalinlang, nawala nila ito at naangkin ito ni Satanas. Kaya dumarami ang tao sa pamamagitan nina Adan at Eba, na nasa ilalim ng pamumuno ng binhi ng serpente. Naiwala nila ang karapatan at otoridad sa pagmamay-ari ng mundo. Akala nila ay pagmamay-ari nila ito. Oo, pagmamay-ari nila ito ngunit sa pamamagitan ni Satanas na si Lucifer ang demonyo, hindi sa pamamagitan ng Dakilang Ama. Ang Dakilang Ama ay ang karapatdapat na tagapagmana sa lahat ng Kanyang nilikha, kung kaya, may plano upang ito ay mabawi muli; bawiin muli ito…at alam ninyo ang kuwento ng kaligtasan:
ANG KUWENTO NG KALIGTASAN
Si Jesus Christ ay dumating, ang nag-iisang Bugtong na Anak. Sa Kanyang ministeryo, Siya ay naging manunubos, bawiin itong muli mula kay Satanas na si Lucifer ang demonyo sa pamamagitan ng panunukso sa kabundukan: pag-aayuno ng apatnapung araw at apatnapung gabi. Ang may-ari ng sanlibutan, si Satanas na si Lucifer ang demonyo sa panahong iyon ay dumating at nagsabi, “Ang lahat ng ito ay ibinigay sa akin at ibibigay ko ito sa sinumang aking iibigin.” Kaya binigay niya ito sa lahat ng kanyang mga anak na lalaki at anak na babae, na lumaganap sa panahong iyon: at ang pagmamay-ari ni Satanas na si Lucifer ang demonyo ay sa pamamagitan ng kanyang mga anak na lalaki at anak na babae na hindi nakapagsisi, na siyang nagmana sa binhi ng serpente. Kaya pagmamay-ari niya ang lahat. Kaya sinabi niya kay Jesus Christ, “Pagmamay-ari ko itong lahat at ibibigay ko ito sa iyo kung yumuko ka sa akin at magpapasailalim sa impluwensiya o sa kapaligiran ng aking paglilinlang. Sang-ayon ka ba? Sinabi ni Jesus Christ, “Hindi. Nagkamali ka. Narito ako upang ito’y aking bawiing muli. Narito ako upang bawiin ko ang hindi mo pagmamay-ari. Kinuha mo ito sa pamamagitan ng panlilinlang; at ito ay aking babawiin muli at ibigay ko ito sa karapat-dapat na tagapagmana (ang Dakilang Ama).”
ANG BAGONG NILALANG AY DUMATING
At kaya ay dumating ang Bagong Nilalang – ang bagong Anak na mula sa nagkasalang rasa ni Adan, na hindi na maaangkin pa ni Satanas na si Lucifer ang demonyo. Ako ay ibinunga sa bundok na iyon; at bago iyan nangyari, pinagmamay-ari pa niya ako, sa ilalim ng relihiyon at denominasyon. Ang mga ito ay pagmamay-ari niya. Akala nila ay naligtas na sila, ngunit hindi. Akala nila ay ligtas ang kanilang kaluluwa sa pamaraan ng pagkakaroon ng mga relihiyon at denominasyon at hindi sila ligtas. Iyan ay paglilinlang. Pagkatapos ay kinuha ako ng Ama, binuksan ang aking mga mata, nilinis ako, binasbasan at ginawang banal; at ginawa akong maunawaan ang lahat ng bagay.
Sa pamamagitan ng aking malayang pagpili, tinanggap ko ang lahat ng bagay, na walang palya. Pagkatapos, nang Kanyang idineklara, “Ngayon ikaw ay aking Anak,” (mula sa nagkasalang lahi ni Adan). Nangangahulugang, ang inapo ng nagkasalang lahi ni Adan na ngayon ay ibinunga ay gaganap sa lugar ng nagkasalang si Adan. Dumating ang bagong Adan. Hindi ako bumigay sa panunukso. Nagawa kong magtagumpay at ako ay naging karapatdapat na tagapagmana pagkatapos niyan. Iyan ang ministeryo ng Hinirang na Anak – na magmana sa lahat ng bagay na kinuha ng demonyo, binawi ni Jesus Christ at tinubos ito; at binalik sa karapatdapat na tao, na Kanyang tinawag at nagtagumpay. Kaya narito ako ngayon.
ANG BAGONG MAY-ARI NG MUNDO
Sino ako? Ako ang Bagong May-ari ng mundo. Ako ang Bagong May-ari ng mundo. Masakit ‘yan sa tainga ni Satanas. Alam naman niya sa Tamayong, ako ang bagong may-ari pero hindi pa alam ng marami, lalo na ‘yung mga nalinlang niyang mga anak, at ‘yung mga anak ng Ama na hindi pa rin nila alam. Doon siya pumunta para manlinlang. Ngunit narito ako upang buksan ang inyong mga mata; aalisin ko ang paglinlang sa pamamagitan ng kaliwanagan.
Ako ang Bagong May-ari ng sanlibutan, Satanas na si Lucifer ang demonyo hindi ka na makapaglilinlang. Ngunit bakit maraming bumabatikos sa akin? Bakit? Ayaw din nila ako. Sasabihin ko sa inyo. Sinabi sa akin ng Ama, “Ngayon, ikaw ang magiging batayan ng aking kaligtasan at ng aking paghukom. Ipadadala kita sa buong mundo. Naroroon ang aking mga anak sa maraming lungsod, sa lahat ng lungsod sa mundo: hindi mo sila kilala, hindi ka nila kilala; ngunit kapag mapakinggan nila ang iyong boses, kanila itong susundin dahil kilala ng tupa ang aking boses.”
Kaya ang ministeryo ko ngayon ay pribado, bagama’t ako ay nasa publiko. Alam ba niyo kung paano ko ‘yan ipaliwanag sa inyo? Bagama’t ako’y naririnig sa publiko, ito ay hindi para sa lahat ng mga tao; ito ay para lamang sa mga anak, anak na lalaki at anak na babae. Paano ko sila makikilala? Sila ay makikinig sa aking boses. Sila ay maniniwala sa akin. Paano ko makilala ang mga anak ni Satanas na si Lucifer ang demonyo? Kanila akong uusigin kagaya ng kanilang ama. Kanila akong aakusahan kagaya ng kanilang ama. Gusto pa nga nila akong patayin tulad ng tatay nilang si Lucifer na natalo na sa bundok na ‘yun. Sino ‘yung mga anak? Bakit alam ko? Sapagka’t kahit hindi pa nila ako nakita, kapag narinig nila ang boses ko, sila ay susunod; sila ay maniniwala. ‘Yan ang sabi ng Ama sa akin, “Makikilala mo sila.”
“Makikilala mo sila dahil sa panahon na makinig sila sa iyong boses, kanila itong susundin dahil kilala ng tupa ang aking boses.” Kaya hindi ako narito para sa mga anak ng demonyo; narito ako para sa mga anak ng Ama na nasa ilalim ng Kanyang pamumuno. Kukunin ko silang lahat. Kung may mga anak ng Diyos sa inyong relihiyon at denominasyong nandiyan pa, didikit lahat sa akin ‘yan. Ako ang katuparan ng Kanyang mga Salita at ang Ama ay nagsabi, “Kung ako’y mataas na mula sa lupa, ang lahat ng mga tao ay palalapitin ko sa akin din. Palalapitin ko lahat ng mga anak sa akin.” Sa katotohanan, sa palalapitin na iyan, nangangahulugan, na sa panahong iyan ay mayroong masasamang mga masasangsang na isda. Maraming mga hindi magandang isda na makakasama sa lambat. Ngunit huwag mag-alala tungkol sa mga masasamang isda, dahil sa panahong sila ay makapasok dito, makikilala rin natin sila, at itatapon ko sila sa labas. Itatapon ko sila sa tabi bilang mga basura.
(itutuloy)