• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Thursday - December 12, 2019

PINAS

Ang kahalagahan ng kaluluwa ng tao (Ikalimang bahagi)

Sonspeak

Recent News:

  • Pilipinas tunay na world class ang talento
  • Sino ang mananagot?  
  • Pangalan ng susunod na PNP chief, hintayin na lang – Malakanyang
  • Promulgation sa kasong Maguindanao Massacre, itinakda ng korte sa Disyembre a-19
  • Panibagong explosive device, natagpuan sa Maguindanao
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Internasyonal
  • Probinsyal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • Buhay
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • OFW
  • Opinyon
  • Lathalain
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Suportahan ang Panukalang Batas sa “Murang Kuryente” (SB 1950)

February 26, 2019 by Pinas News


Ni: Louie Montemar

Hindi matatawaran ang maayos na pagganap ng mga piling mambabatas para sa kapakanan ng bayan. Dahil dito, nais bigyang-pansin ng BK3 ang isang panukalang-batas mula sa tanggapan ni Sen. Erwin Gatchalian na maaaring magpagaan ng tunay sa pasanin nating mga konsyumer hinggil sa presyo ng kuryente sa bansa. Ito ang Senate Bill 1950 (SB 1950) o ang “Murang Kuryente Bill.” Kailangan ng kaunting paliwanag upang makita natin ang halaga ng panukalang ito.

Ang proyektong Malampaya (o Malampaya Deepwater Gas-to-Power project) ang unang pagtatangka sa bansa upang makakuha ng natural gas mula sa lupa sa ilalim ng dagat. Nadiskubre ang natural gas source na ito noong mga huling taon ng 1990s at binuksan noong 2001 ang planta ng kuryente. Sa ngayon, pinapatakbo nito ang tatlong gas-fired power stations na may kabuuang kapasidad na 2,700 megawatts. Katumbas nito ang 30% ng kuryenteng kailangan ng Luzon.

Noong 2002, nagsimula nang kumita ang “Malampaya.” Napupunta ang kita sa gobyerno at dapat na gamitin para sa pagpapaunlad ng mapagkukunan ng enerhiya at mga programa sa eksplorasyon. Ayon sa Presidential Decree No. 910 ni Pangulong Marcos, ang kita mula sa mga proyektong pang-enerhiya ay dapat na maging bahagi ng isang espesyal na pondo upang tustusan ang iba pang mga proyekto ng pamahalaan sa enerhiya. Pinahihintulutan din nito ang paggamit ng pondo para sa iba pang mga proyekto na inaprubahan ng Pangulo, kahit walang kapahintulutan ng Konggreso. Dito umusbong ang usapin sa paggamit ng tinatawag na “Malampaya fund.” Halimbawa na lamang, daan-daang-milyon ng pondo ang sangkot sa kaso ni Janet Napoles at ilang mga politiko.

Dito papasok ang halaga ng Murang Kuryente Bill na inaprubahan na sa ikatlong pagbasa sa Senado. Kung maisasabatas ang Murang Kuryente Bill, titiyakin nito na gagamitin ang bahagi ng pondo para sa pagpapababa ng presyo ng kuryente sa bansa. Sa partikular, pahihintulutan nitong magamit ang ₱ 207-bilyon mula sa Malampaya Fund upang bayaran ang mga natitirang gastos sa kontrata at ang utang ng National Power Corporation (Napocor).

Ayon kay Sen. Gatchalian, ang panukalang batas ay makatutulong sa pagpapababa ng presyo ng kuryente. Para sa isang household na gumagamit ng 200 kilowatt hours bawat buwan, aabot sa PhP 2,033.76 kada taon ang matitipid—halos isang sako na ng bigas ito! Samakatuwid, talagang kailangan ng isang batas para magamit ang Malampaya sa interes ng publiko. Suportahan natin ang Murang Kuryente Bill. Ang kapakanan nating mga konsyumer ang tinitiyak ng panukalang ito. #

Related posts:

  • Kailan kaya mauubos ang illegal drugs sa Pilipinas?    
  • Labanan pa ang Krimen
  • Ang Pagpapalit ng Liderato sa Kamara: Isang Pagninilay
  • Ang UN sa Ika-73 taon: Mandato at hamon ng makabagong panahon (Unang Bahagi)
  • Maynila: Isang malaking poso negro

Opinyon Slider Ticker “Malampaya fund” (Malampaya Deepwater Gas-to-Power project) Murang Kuryente Bill. National Power Corporation (Napocor) PINAS Sen. Erwin Gatchalian Senate Bill 1950 (SB 1950)

Reader Interactions

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2019 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.