Pinas News
NAGHAHANDA na ang mga atleta ng Pilipinas para sa 2019 Southeast Asian Games.
Ayon kay Philippine Athletics Track And Field Association (PATAFA) President Philip Ella Juico, target nilang malampasan ang kanilang best SEA Games output na 13 gold medals sa Singapore noong 1983.
Sinabi ni Juico na bilang paghahanda sa SEA Games, isasagawa ang national open at Southeast Asian Youth Championship Sa Ilagan, Isabela sa Marso a-dos hanggang a-otso.
Lalahok aniya sa National Open ang lahat ng miyembro ng Philippine team, kabilang ang U.S-Based Track Star Eric Cray.