Wagi sa nakaraang all-star game ang koponan ni Lebron na siyang nagwagi ng MVP award.
Ni: Eugene Flores
INILABAS na ng NBA ang mga manlalarong mangunguna para sa inaabangan na NBA All-Star weekend na gaganapin sa Charlotte, Virginia.
Muling magsasama-sama ang mga sikat na manlalaro mula sa western conference at eastern conference upang bigyang aliw ang mga manunuod.
Bukod sa All-star game, magkakaroon din ng three-point shootout contest, slamdunk contest, skills challenge, rookie vs sophomore and all-star celebrity game. Tatlong araw na puno ng maaksyon at nakakaaliw na basketball.
Maglalaro sa ika-15 all-star ang kapitan ng western all-stars na si LeBron James ng Los Angeles Lakers. Makakasama nito ang Golden State Warriors guard na si Stephen Curry at forward na si Kevin Durant, Oklahoma City Thunder Paul George at ang 2018 NBA MVP na si James Harden ng Houston Rockets.
Para naman sa eastern division, ang kapitan mula sa Milwaukee Bucks na si Giannis Antetokoumnpo, Toronto Raptors forward Kawhi Leonard, Boston Celtics guard Kyrie Irving, Philadelphia Sixers center Joel Embiid, at mula sa host team Charlotte Hornets, guard Kemba Walker.