Akala ninyo hindi na babangon si Quiboloy. Biruin ninyo ako pa ‘yong sinabi na pumatay ng Lumad? Paano ko idepensa ang sarili sa ganyan? Nag-alala ba ako kahit isang beses? Hayaan ninyo silang magsalita ng lahat ng bagay sa katapusan matapos na huminahon ang lahat, mananatili pa rin akong nakatayo. Ako ang magtagumpay. Ang lahat ng mga kasinungalingan ay bubulusok; lahat ng maling akusasyon ay bubulusok; lahat ng maling alegasyon ay bubulusok; ngunit ang Anak ay tataas.
Saanman ako tutungo, tinutuka niya ang aking sakong. Hindi pa nga ako nakapunta sa Canada, tinuka na niya ang paa ko doon. Hindi pa ako nakapunta ng Amerika, tinuka na naman ako doon. Ngayon, palagi sa Hawaii, aba, nandoon pala! Buhay pa ang ulo. Kahit patay na, nangangagat pa rin. Itong dugo ko puno na ng antibodies ‘yan. Puno na ng kamandag ni Satanas ‘yan ngunit hindi na ako tatablan. Kayo rin ‘di ba? Tingnan ninyo may antibodies na rin ang katawan ninyo. Kahit anong akusasyon ang gawin nila, walang makapipigil sa akin.
…sapagka’t ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu…
ANG ESPIRITUWAL NA TAO
Ako ang manipestasyon ng espiritu. Ako ay isang espirituwal na tao. Ang taong nasa espiritu ay nagsisiyasat sa lahat ng mga bagay, at siya’y hindi sinisiyasat ng sinoman. Hinusgahan ko ang lahat ng mga bagay at hinusgahan ninyo ako, ang paghuhusga ay babalik sa inyo. ‘Yung lahat ng naninira sa akin, kawawa kayo. Dahil July 22 sinabi sa akin ng Ama, “Hindi ko na papayagang may maninira sa pangalan mo. Hindi ko na payagan na may manira sa iyong pangalan.” Kasi may nagtanong sa akin, “’Di ba love your enemy, Pastor? ‘Yung teaching mo, love your enemy, do good to them that hate you, bless them that persecute you and pray for them that despitefully use you…’di ba ganoon ‘yun, Pastor?”
‘Yan nga ang pangangaral ko. ‘Yan ang aking mga pangangaral para sa lahat ng may pag-asa pa para sa kaligtasan. Ngunit ang Ama ay nagsabi sa akin noong Hulyo 22, 2018, “Kapag siniraan nila muli ang iyong pangalan, siniraan nila ang aking pangalan dahil ang iyong pangalan ay ang aking Bagong Pangalan. At kapag sinira nila ang aking pangalan, sila ay nasa panganib ng walang kapatawarang kasalanan.”
Kaya kayo na naninira sa pangalan ko pagkatapos ng Hulyo 22, kayo ay nakagawa ng walang kapatawarang kasalanan. Kaya kayong nakagawa ng walang kapatawarang kasalanan, wala na kayong kaluluwang maililigtas. Ibigin ang kaaaway ay hindi naaangkop sa inyo. Ano ang naaangkop sa inyo? Hebreo 10:26 at Mga Taga-Roma 2 – ‘yan ang angkop sa inyo ngayon; ngunit sa lahat ng mga tagausig at mga ignoranteng umuusig sa akin dahil hindi nila nalalaman-may mga kaluluwa pa kayong mailigtas – ibigin ang iyong kaaway ay naaangkop sa inyo. Ngunit kayong nakaaalam at patuloy na umuusig sa akin pagkatapos ng Hulyo 22, kayo ay nagawa ng walang kapatawarang kasalanan. Ibigin ninyo ang kaaway ay hindi na naaangkop sa inyo. Ang naaangkop sa inyo ay Hebreo 10:26.
ANG WALANG KAPATAWARANG KASALANAN
Hebreo 10:26: “Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,
Wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan. Wala na para sa inyo. Makinig kayo. Kayong mga nanunundot sa akin hanggang ngayon, kayong mga umuusig sa akin na alam na ninyo ang katotohanan, lalo na ‘yong galing dito sa Kaharian, tapos minamasama ninyong lahat ng ginagawa ko, pati pangalan ko, dinamay ninyo. Wala nang pag-asa. Hindi na kayo maililigtas pa. Wala nang haing natitira para sa kasalanan.
b-27 Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.
b-28 Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay sa walang awa:
b-29 Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, ang ihahatol na nauukol doon sa yumurak sa Anak ng Dios, at umaring di banal sa dugo ng tipan na nagpabanal sa kaniya, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya?
b-30 Sapagka’t ating nakikilala yaong nagsabi, Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli huhukuman ng Panginoon ang kaniyang bayan.
b-31 Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay.
Kayong nakagawa ng walang kapatawarang kasalanan, ito ang naaangkop sa inyo. Iyan ay naaangkop sa mga hindi mapatawad na kasalanan dahil kanilang sinira ang Anak ng Diyos. Simula Hulyo 22, huwag niyo na ‘yan gawin, kayong nakakaalam na. Kahit sa mga hindi nakakaalam matamaan din sa batas na ito. Mga Taga-Roma 2.
Mga Taga-Roma 2:4: “O hinahamak mo ang mga kayamanan ng kaniyang kabutihan at pagtitiis at pagpapahinuhod, na hindi mo nalalaman na ang kabutihan ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi?
Ang ibigin ang iyong kaaway ay ang kayamanan ng kanyang kabutihan at pagpaparaya at pagmatiisin, upang ang kabutihan ng Panginoon ay maghahantong sa inyo sa pagsisisi; ngunit hindi kayo nagsisisi at hindi ninyo kinilala ang kabutihan sa halip ay ginawa ninyo itong masama, ano ang mangyayari? Ito ang mangyayari…
b-5 Datapuwa’t ayon sa iyong katigasan at iyong pusong hindi nagsisisi ay nagtitipon ka sa iyong sarili ng poot sa kaarawan ng kapootan at pagpapahayag ng tapat na paghuhukom ng Dios;
b-6 Na siya ang magbibigay sa bawa’t tao ayon sa kaniyang mga gawa:
Naaangkop ‘yan sa mga nakagawa ng walang kapatawarang kasalanan. Simula sa Hulyo 22, ang yuyurak sa aking pangalan, yuyurak sa pangalan sa Anak na ginawang pangalan ng Ama, wala nang kapatawaran. Ito ay para sa kanila. Hindi na ang ibigin ang inyong kaaway. Ang ibigin ang inyong kaaway, kayamanan sa Kanyang kabutihan ay para lamang doon sa may pag-asa pang maligtas; ngunit sa wala ng pag-asa, ito ang para sa kanila. Side bit lamang ito ng mga anak ni Satanas na nasa sanlibutan na marinig at mabasa ninyo ang kanilang mga kalokohan. Hindi para sa kanila ang mensahe ng Anak. Kapag ang mga anak ay makarinig sa aking tinig, kahit sila ay nasa kadiliman at sila ay nasa libingan ng kanilang kasalanan, kapag narinig nila ang aking tinig, sila ay mabubuhay na muli at mabigyan ng walang hanggang buhay dahil kanilang sinunod ang aking tinig.n
(Itutuloy)