
Isinailalim na ngayon sa state of calamity ang buong lalawigan ng Camarines Sur dahil sa epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura.
Batay sa tala ng lokal na pamahalaan sa probinsya, higit na apektadon ng mainit na panahon ang mga pananim.
Ayon kay Camarines Sur Governor Miguel Villafuerte, idineklara nito ang state of calamity upang mabigyan ng prayoridad at mapabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka at mga residente na lubos na naaapektuhan ng matinding tagtuyot.
Nananawagan naman si Villafuerte sa Department of Agriculture at sa gobyerno na magsagawa ng cloud seeding sa kanilang lalawigan.
Pinakiusapan naman ng provincial government ng Camarines Sur ang mga mamamayan nito na magtanim muna ng mga pananim na hindi nangangailangan ng maraming suplay ng tubig.