Sikat ang virgin coconut oil na pinagmumulan ng iba’t ibang klase ng bitamina na puwedeng magbigay ng magandang resulta sa balat.
Ni: Shane Elaiza E. Asidao
KILALA ang Pilipinas bilang isa sa may pinakamaraming produksyon ng coconut. Tinatawag na niyog sa tagalog ang isang mature coconut at buko naman kapag young coconut. Ayon sa datos ng Philippine Coconut Authority ng Department of Agriculture, 68 mula sa 79 na probinsya ang pinagmumulan nito.
Ayon naman sa website ng Choose Philippines, sikat ang coconut na mabisang gamot sa iba’t ibang uri ng sakit. Ang pag-inom ng tubig nito ay makakapagpabuti ng ilang sakit sa bato, paglinis ng mga bacteria sa katawan na maaaring magdulot ng tigdas, herpes, influenza o hepatitis C.
Ang niyog din ang pinagmumulan ng virgin coconut oil na madalas na ginagamit sa mukha, buhok at katawan. Napag-aralan ng mga dalubhasa na maraming benepisyo ang makukuha sa paggamit ng virgin coconut oil. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
- Mas maganda itong gamitin kumpara sa ibang mga produkto upang magbigay kinis sa balat o maging moisturized ang kutis nang matagal.
- Maaari rin itong gamitin sa mukha upang labanan ang pagdami ng mga tigyawat o rashes. Kilala rin ito na isa sa pinakamabisang paraan sa pag-alis ng makeup sa mukha.
- Ginagamit din ito para mapanatili ang malambot, matingkad at malusog na buhok. Puwede itong imasahe sa buhok at anit bago o matapos maligo. Sa ganitong paraan, mas magiging matibay ang buhok, moisturized at maiiwasan nito ang pagkatuyo at hindi magandang tubo.
- Isa ring paraan ng karamihan ang paggamit nito sa masahe para malabanan ang sakit sa katawan at dahil na rin sa nutrients na mayroon ang virgin coconut oil, malalabanan nito ang bacteria na maaaring magdulot ng rashes at iba pang sakit sa balat.
- Nakakagaling din ito ng sugat sa balat.
Dahil na lamang sa maraming natural na benepisyong makukuha mula dito, marami na ang gumagamit ng virgin coconut oil bilang parte ng kanilang skin care routine sa araw-araw.