Ni: Jonnalyn Cortez
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng National Program on Family Planning upang mabigyan ng solusyon ang patuloy na paglobo ng populasyon.
Lalo pang pinagtibay ang pagsasabuhay sa dating programa upang matulungan ang mas maraming kababaihan na nasa edad na ng panganganak at kanilang partner na mag-plano ng pamilya.
“The approval of the plan is expected to reduce poverty incidence in the country, which currently has the highest fertility rate and fastest growing population in the ASEAN region, from the current 20 percent to 14 percent in 2022,” wika ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Dagdag pa niya, ang programa ay magbibigay sa 11.3 milyong kababaihan na magkaroon ng mas malawak na access sa mas epektibo at modernong contraceptives at maiwasan ang biglaang pagbubuntis.
“The key strategy is the use of effective modern contraceptives where 11.3 million women would be given access to over the next four years. The aim is to increase the usage thereof from 40% to 65%,” paliwanag ni Panelo.
Tinatayang magkakaroon ng apat na milyong kaso ng hindi sinasadyang pagbubuntis at dalawang milyong kaso ng pagpapalaglag sa susunod na apat na taon.
Maliban sa pagsugpo sa kahirapan, layunin din ng programa na palawagin ang mabuting kalusugan para sa nakararami at socio-economic development.
“We understand that a great majority of Filipinos favor family planning but not all of them have access to contraceptives due to various reasons,” sabi ni Panelo.
Handa naman ang gobyerno na tulungan ang mga nagnanais na sumailalim sa mas malawak na family planning program.
Pinirmahan ni Duterte ang Executive Order No. 12 na nagpapatibay sa access sa modern family planning noong 2017 sa gitna ng temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court sa ilang probisyon ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Act (RPRH Law).
Sinimulan nina National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Ernesto Pernia at Commission on Population (PopCom) and Development Executive Director Juan Antonio Perez III, ang mas malawak na family planning program.
PAGPIGIL SA PAGLOBO NG POPULASYON
Naglabas ang NEDA, Department of Health (DoH), at PopCom ng isang joint memorandum circular para sa pagsasabuhay ng family planning program sa gitna ng paglobo ng populasyon sa bansa. Kabilang sa programa ang paglalapit ng family planning services sa bawat pamilya at pagpapalaganap ng tamang impormasyon sa mga tao.
Nilalayong makamit ng EO No. 12 ang “zero unmet need for modern family planning” sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng RPRH Law.
Sa ilalim nito, ang DoH, PopCom, Department of Interior and Local Government (DILG) at iba pang ahensya ng gobyerno ay inatasan na magsagawa ng intervention mapping para sa mga nagsasama at maag-asawa na may hindi natugunang pangangailangan para sa pagpaplano ng pamilya at bigyan ng kakayahan ang local na pamahalaan na magbigay ng modernong paraan ng family planning at iba pang kaukulang serbisyo.
Kailangan ding ang mga ahensya ay mag “conduct ng intensive community-based demand generation” at “referral activities” na dapat ay boluntaryo at may pinagbabasehang desisyon oinformed choice. Kabilang din dito ang pakikipag-ugnayan sa civil society groups upang makamit ang zero unmet need for family planning sa kani-kanilang lugar.
“We will also ask for support from President Duterte to continue strengthening the family planning program by putting more resources into public planning both in the budget of DOH and PopCom,” wika ni Perez.
Para sa taong ito, magmumula ang suportang para sa family planning program sa P440 milyong pondo mula sa DoH at P150 milyon mula sa PopCom. Inaasahan ding maghahanap din ang sentral na pamahalaan ng iba pang mapagkukunan ng pondo upang maabot ang target na P1 bilyon.
“If that happens, that means the fertility rate of women will go down from the current 2.7 percent to only two percent by 2022, which means that each woman will only have two children as desired. If we’re not able to reduce the fertility rate right now, we will have to wait for another 10 years to achieve that,” dagdag ni Perez.
Ang Japan at Korea na may fertility rate na 2.1 ay nakitaan ng economic development matapos ang 20 hanggang 30 taon mula nang simulan nila ang malawak na programa sa pagplano ng populasyon.
“The reality is, population will continue to grow and that means we need to generate more jobs, deliver more and better social services, and provide the necessary infrastructure,” pahayag ni Perez.
Mayroong ng 107 milyong populasyon ang Pilipinas sa pagtatapos ng 2018 at inaasahang lolobo ito sa 109 milyon ngayong taon. Tinatayang 2 milyong sanggol ang pinapanganak taon-taon.
PAGKUMBINSI SA PAGPLANO NG PAMILYA
Target ng PopCom na kumbinsihin ang apat hangganglimang milyong mag-asawa at pati na mga nagsasama na gumamit ng family planning methods sa susunod na apat na taon.
Kinakailangan ng family planning program ng hindi bababa sa P1 bilyong pondo upang mapaabot sa 1 milyong mangangailangan nito. Bunsod nito, umaasa si Perez na susuportahan ng Pangulo ang kanilang mungkahi upang lalo pang palakasin ang programa.
“Adding one million new acceptors of family planning in the country every year is something that has never been achieved in the past. The strategy is to talk to as many men and women as possible,” paliwanag ni Perez.
Sa ilalim ng bagong programa, may mga grupong kakausap sa halos tatlong milyong mag-asawa at pati na mga nagsasama sa bansa upang ipaliwanag na tatlo sa bawat sampung babaeng na nasa edad na maaaring mabuntis ay nangangailangan ng family planning.
“Last year, we talked to 1.2 million women and we were able to identify 250,000 of them who are in need of family planning. If we will talk to three million, we will achieve the new one million acceptors every year or about 65 percent of couples who need to adopt the methods,” dagdag ni Perez.
Target din ng programa na ipagbigay-alam ang family planning sa mag-asawang nakakaranas ng kahirapan, sa gustong matuto ng ideal birth spacing, mag-asawang may kakulangan sa kaalaman at sa ayaw ng magka-anak.
Nilagdaan ni Duterte ang EO No.71 noong isang taon na nagpapalit sa pangalan ng PopCom; ito na ngayon ang Commission on Population and Development at sinailalim na ito sa pamamahala ng NEDA.
Bunsod nito, ang hepe ng PopCom ay may parehong posisyon sa NEDA undersecretary para sa population and development.
Ang direktiba ay sinabing magpapalakas sa pag-ugnay ng populasyon sa pag-unlad upang higit na pataasin ang economic growth ng bansa na siya ring nakapaloob sa Philippine Development Plan (PDP) 2017-2022.