Ni: Melody D. Nuñez
NAGVIRAL ang post ng isang babae sa Iowa na nagtatangkang ibenta ang bahay nito sa Facebook dahil sa pagpahayag ng kanyang pagkamuhi sa estado.
Hindi akalain ni Wendy Lange na mag-viral ang kanyang Facebook post na may larawan niya sa snow na may kasamang text na “I hate Iowa, please buy my house.”
Nilinaw naman ni Lange na nais lamang niyang maghanap ng mainit na lugar dahil sa sobrang lamig ng kanilang tinitirhan.
Naging positibo naman ang epekto ng listing ni Wendy sa kabila ng kanyang negatibong mensahe.
Lola naanod habang nakaupo sa isang ice throne para sa photoshoot
NAUWI sa pagsagip ang isang lolang taga-Texas na nagpa-photoshoot sa isang yelo na hugis korona matapos na maanod ito papalayo sa dalampasigan sa isang beach sa Iceland.
Nagtungo si Judith Streng at kanyang anak na lalaki sa Iceland nang makatagpo sila ng maraming tao na kumukuha ng larawan sa isang iceberg throne sa Diamond Beach sa Jorkulsarlon.
Tinangka rin ng matanda na magpakuha ng larawan sa naturang yelo ngunit dumating ang isang malaking alon dahilan upang maanod ito sa dagat na lulan ang matanda.
Nasiyahan naman si Streng sa pangyayari dahil pakiramdam niya ay isa siyang reyna na nakaupo sa tronong yelo ngunit kailangan siyang sagipin.
Mabuti na lamang dumaan ang isang nagbabangka at kaagad naman siyang nasagip.
14-hour commercial ng Old Spice isang Guinness World Record
NAGAWARAN ang Proctor & Gamble ng Guinness World Record matapos magpalabas ng Old Spice deodorant commercial sa haba ng 14-hour.
Inilabas ang nasabing commercial sa Brazilian channel na Woohoo noong Disyembre na may 1, 600 na clips na pinagdugtong-dugtong.
Nakipagtambalan ang Proctor & Gamble sa Wieden + Kennedy agency upang makagawa ng mataas na advertisement kungsaan ay nakagawa sila g 20-oras na shooting at ilang buwan na pag-edit para mabuo ang commercial.
Nalampasan ng nasabing commercial ang dating rekord ng Arby’s commercial noong 2014 na may 13 hours, 5 minutes at 11 seconds.
Lalaki tumugtog ng ‘Tequila’ gamit ang malaking shell nanalo sa paligsahan
NASUNGKIT ng isang lalaki sa Florida ang top prize nang tinugtog nito ang 1958 hit na “Tequila” gamit ang isang malaking shell sa isinagawang 57th annual Conch Shell Blowing Contest.
Mahigit limampung kalahok ang nasabing paligsahan ng Old Island Restoration Foundation sa Key West kungsaan ay kailangan ng mga ito na magbuo ng musika gamit ang conch shell.
Dahil sa kahanga-hangang rendition ng “Tequila” sa kinilalang si Masterson, siya ang napili ng mga hurado para sa top prize.