SA Lucas 4, ang demonyo ang may-ari ng sanlibutan sa pamamagitan ng nagkasalang lahi ni Adan ay lumapit sa Tagapagligtas na magliligtas sa mundo mula sa kanyang (Satanas) pagmamay-ari pabalik sa pagmamay-ari ng Panginoon. Gagamit din Siya ng nagkasalang lahi ni Adan na gagawing Anak, doon Niya ipagkakaloob.
Lucas 4: 5-7: “At iniakyat pa siya niya, at ipinakita sa sandaling panahon ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan. At sinabi sa kaniya ng diablo, sa iyo’y ibibigay ko ang lahat ng kapamahalaang ito, at ang kaluwalhatian nila: sapagka’t ito’y naibigay na sa akin; at ibibigay ko kung kanino ko ibig. Kaya nga kung sasamba ka sa harapan ko, ay magiging iyong lahat.”
“Basta sambahin mo lang ako at lahat ay mapapasaiyo. Hindi pa kita ipapako sa krus. Alalahanin na ako ang may-ari ng sanlibutan ngayon. Uutusan ko ang aking mga anak. Papasukin ko itong sundalong Romano, anak ko ito. Pasukin ko itong Emperor ng Roma, si Pilato. Pasukin ko itong mga anak kong Hudyo na mga hari sa relihiyon. Wala kang magawa, akin itong sanlibutan. Ngunit kapag ikaw ay sasamba sa akin, magiging sikat ka pa.” Sabi ni Jesus Christ, “No deal.”
Nag-iisa lamang si Jesus Christ kasama ang tatlong walang kalaban-laban na mga babae sa kanyang tabi at si Juan. Pinasukan na ni Satanas ang lahat. Tumawa pa ang mga sundalong Romano. Pinako Siya sa krus, hindi siya sumuko, hindi siya sumamba kay Satanas. Pagsabi niya, “It is finished,” ang ibig sabihin ay “Nakuha ko na Ama. Nandito na sa aking mga kamay.” Pinaliwanag din ng mga anak ni Satanas na wala na raw Siya. Ito lamang nangyari sa akin sa Hawaii, sabi nila, “Ah…finished na si Quiboloy.” Tinapos ko na ang inyong ama sa matagal na panahon. Kayong mga katawan niya, ang inyong ulo, nawasak ko na. Tapos nais ninyong makipag-debate sa akin?
Tingnan ninyo pinagloloko lamang kayo ng inyong ama. Parehong Jesus Christ ang dala tapos magsiraan pa sa TV. ‘Yan ba ang itinuro ni Jesus Christ? Pinagloloko lamang sila. Pagkatapos may sumulpot na isa, “Ah…Bibliya ang sasagot.” Akalain ninyo na ang doktrina ng taong ito ay puwede nang magsama ang dalawang lalaki. Dalawang babae puwede nang magsama. Doktrina niya ‘yan. Bakit doktrina niya ang ganu’n? Nilinis na daw ng Dios. ‘Yun daw sinabi ng Diyos, “Kumain ka, Pedro, nilinis ko na ‘yan.” Ngayon ang ipangalan ko sa kanya ay Sodomian.
ANG MGA LIKO AY HINDI MAGSISIPAGMANA NG KAHARIAN NG AMA
Dito sa Kaharian marami dito ang naniniwala diyan ngunit nabago ko na. Ang babae naging tunay na babae na at ang lalaki ay naging tunay na lalaki. Akalain ninyo itong Sodomians at Gomorrians, pagkatapos magpatunay pupunta ng langit? Wala kayong karapatan sa langit. Sa labas ng langit may karapatan kayo. Diyan sa sanlibutan, may secular rights kayo. Wala dapat mang-aapi sa inyo. Pero sa Kaharian, wala kayong karapatan dahil ang itinuro sa Kaharian, ang mga effeminate, ay hindi pupunta sa langit, hindi pupunta sa Kaharian.
Mga Taga-Roma 1: 26-27: “Dahil dito’y ibinigay sila ng Dios sa mga mahahalay na pita: sapagka’t pinalitan ng kanilang mga babae ang katutubong kagamitan niyaong nalalaban sa katutubo: At gayon din naman ang mga lalake, na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa’t isa, na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa kapuwa lalake, at tumatanggap sa kanilang sarili sa kagantihan ng kanilang pagkakamali.
Mayroon akong komunidad dito na ganyan pero nagbago. “Ay, bawal pala sa inyo ‘yan, Pastor?” Hindi bawal. Lahat ng tao puwede. Pero pagdating mo dito sa loob ng Kaharian, magbago ka. May milagro ang Diyos. Ang tubig nga, ginawa niyang alak, kayo pa kaya na tunay na kayong lalaki o babae.
1 Mga Taga-Corinto 6: 9: “O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake.”
Kapag pumunta kayo sa Kaharian at magbago kayo, langit kayo. Pero ‘pag sinabi ninyong, “Diyan lang kami sa labas. May right kami, huwag niyo kaming apihin,” proteksyonan ko kayo riyan. May karapatan kayong mabuhay. Pero sa Kaharian, kung kayo seryoso sa inyong kaligtasan kailangan kayong sumunod. Kayong mga effeminate…tingnan ninyo ang ginawa ni Satanas, niloko kayong lahat. Hindi ninyo mamanahin ang Kaharian ng Panginoon.
ANG LAYUNIN NG ANAK AY IPASAILALIM ANG LAMAN SA ESPIRITU
Ito ang aking layunin. Alam niyo kung bakit inatake ako ng laman? Dahil nais nilang pangibabawan ako. Hindi nila ako maipasasailalim; kaya ang mga akusasyon sa akin ay makalaman dahil nais nila akong yumukod. Nais nilang lumuhod ako sa laman. Biruin niyo, child sex ring. Isipa ko ‘yan sa mukha mo Satanas.
May tatlong bahagi ang tao: katawan, kaluluwa, at espiritu; ngunit ang tatlong ito ay hindi ganap na pagmamay-ari ng Dakilang Ama dahil sa pagsuway ni Adan. Pagmamay-ari ng Ama ang kaluluwa at espiritu; gayunpaman, ang katawan (laman) ay inalipin ni Satanas na si Lucifer ang demonyo. Kaya ipinadala ng Ama ang Kanyang sariling Anak na kawangis sa nagkasalang laman upang tuligsain ang kasalanan sa laman.
Ang layunin kung bakit ako ay narito ay ipasailalim ang laman sa espiritu, simula sa akin. Tingnan niyo ang aking laman ay sumailalim sa aking espiritu. Isa rin akong tao na kagaya ninyo, ngunit hindi ako bumibigay sa laman. Kapag sumilip ang pangit na ulo ng laman, sasabihin ko sa laman, “Bumaba ka o puputulin ko ‘yang leeg mo.” Sinomang malapit sa akin babae o lalaki, kapag nais nilang ipasakop ako sa kanilang kagustuhan sa laman diyan na ninyo makikita ang aking katapatan. Kahit pamilya, may kaugnayan sa laman at dugo, kahit kaapelyido ko kayo at nais ninyong gamitin ang koneksyon na ‘yan para sa kagustuhan ng inyong laman at ayaw sumunod sa kagustuhan sa espiritu. Maghiwalay tayo. Ang aking katapatan ay nasa espiritu lahat.
(ITUTULOY)