Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
KAPAG bumagsak kayo sa laman, binigyan kayo ng tsansa, kondenahin ninyo ‘yan. Kayo mismo ang puputol sa kanya. Huwag ninyong ikubli ang demonyo at ang ginawa niya sa inyo.
Mga Taga-Efeso 5:11: “Huwag kayong makibahagi sa mga walang mapapakinabangang gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain.”
PANGANGAILANGAN NG ESPIRITUWAL NA PAGBABAGO
Dapat magkaroon ng pagbabago mula sa pagiging isinilang sa laman sa pagiging isinilang muli sa espiritu ng pagsusunod sa Kalooban ng Ama. Upang mapaglabanan at madaig ang laman, kailangang maging espirituwal sa pamamagitan ng pagkain ng laman at pag-inom ng dugo ng ating Panginoong Hesu Kristo sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga Salita.
Paano ninyo iinumin ang Kanyang dugo at kakainin ang Kanyang laman? Pagsusunod sa Kanyang mga Salita ay isang tunay na pangako. May nagtanong sa akin kung bakit wala tayong communion dito. Sabi ko, walang kabuluhan ang communion na ‘yan kung hindi kayo nagsisi at pagkatapos ay susunod sa Kanyang Kalooban na kagaya ko.
Hindi kayo maliligtas ng mga rituwal na iyan kung hindi kayo nagsisisi at sumusunod sa Kanyang Kalooban.
Juan 3:5: “Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.”
Juan 5:24: “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan.”
ANG PAGKAHARI AY NAIPANUMBALIK
Dahil ang Pagkaanak ay konektado sa Pagkahari, ang Hinirang na Anak ang humahalili sa pamumuno sa mundong ito, kagaya lamang sa orihinal na plano ng Dakilang Ama. Noong Hunyo 18, 2018, pinahayag ng Dakilang Ama na Kanyang nabawi muli ang pagmamay-ari ng mundo sa pamamagitan ng Kanyang Hinirang na Anak. Tapos na ang panahon ng pagmamay-ari ni Satanas na si Lucifer ang demonyo.
Naganap ang espirituwal na pagbabago. Ang Pagkahari ay muling nabawi. Ang Anak ang siyang muling Bagong May-ari ng nilikha ng Panginoon.
Pahayag 21: 7: “Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito, at ako’y magiging Diyos niya, at siya’y magiging anak ko.”
Nang tinawag Niya ako, “Ngayon ikaw ay aking Anak,” ang lahat ay nanumbalik muli. Sa takdang panahon, ito ay darating sa hustong panahon sa panahon ng Anak. Namana ko ang lahat ng bagay. Ako ang katuparan sa lahat ng mga Salita ng Panginoon. Lahat ng mga Salita ay akin nang matupad ang “Ikaw ay aking Anak.” Hindi na ako ang panginoon ngunit Siya ang Panginoon at ako ang Kanyang Anak. Napagmamay-ari ko ang lahat sa pamamagitan Niya. Hindi na si Satanas. Ang Ama ang siyang nagmay-ari sa akin. Bumalik na sa Kanya ang pag-aari ng buong mundo sa pamamagitan ng Kanyang Anak.
Mateo 25:21: “Sinabi sa kaniya ng kaniyang panginoon, Mabuting gawa, mabuti at tapat na alipin: nagtapat ka sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming bagay; pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.”
Hindi lamang Niya akong ginawang Tagapamahala sa maraming mga bagay – Kanya akong ginawang Tagapamahala sa lahat ng mga bagay. Kanya akong ginawang Tagapamahala ng buong mundo. Ang mundong ito ay akin, hindi na kay Satanas na si Lucifer ang demonyo at ng kanyang mga anak. Ang mundong ito ay akin.
Mga Taga-Roma 8: 16-17: “Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng Dios: At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo’y lumuwalhati namang kasama niya.”
Ano ang sukdulang pagsubok? Ang sukdulang pagsubok ay ang hindi matablan sa panlulupig ng laman. Huwag kayong sumuko diyan. Huwag ninyo ‘yang paniwalaan kahit anong kagat ni Satanas.
Ito ang rurok ng plano ng Dakilang Ama na ang tao ay magiging kagaya Niya. Sa glorification, ang pisikal na katawan ay pinalitan ng espirituwal na katawan, ang mortalidad ay pinalitan ng imortalidad, ang pagkasira ay hindi pagkasira.
Mga Taga-Roma 8:30: “At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang tinawag naman: at ang mga tinawag ay inaring-ganap naman niya: at ang mga inaring-ganap ay niluwalhati din naman niya.
Lucas 20: 36: “Sapagka’t hindi na sila maaaring mangamatay pa: sapagka’t kahalintulad na sila ng mga anghel; at sila’y mga anak ng Dios, palibhasa’y mga anak ng pagkabuhay na maguli.”
1 Mga Taga-Corinto 15: 55-56: “Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong tibo? Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan; at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan.”
Wala ng kapangyarihan ang kamatayan sa atin dahil ang kamatayan ay nasa laman; at kaya nga ang laman, ang lason ni Satanas ay kinakagat ako palagi upang ibagsak ako; ngunit sinabi ko na sa inyo, hanggang sakong lang ang kagat ng ahas. Kapag nakita ko siya dudurugin ko ang ulo niya.
1 Mga Taga-Corinto 15:26-28: “Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan. Sapagka’t kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa’t kung sinasabi, ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaon nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya. At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo’y ang Anak din ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.
IBINIGAY SA ANAK ANG PAGMAMAY-ARI NG MUNDO
Ang Hinirang na Anak ngayon ay nagmamay-ari ng buong mundo na nilikha ng ating Dakilang Ama dahil siya ay naging kagaya Niya. Ang Pinakadakilang Espiritu ng Dakilang Ama ay nananahan na sa kanyang katawan ngayon. Ang kanyang katawan ay hindi na miyembro ng nagkasalang lahi ni Adan sa ilalim ng pamumuno ni Satanas na si Lucifer ang demonyo, ngunit siya ay naging matapat na pagmamay-ari ng Ama na siyang magpapatupad ng Kanyang spirituwal na batas sa lupa. Ito ang sagisag ng simula ng libong-taong Pamamahala simula noong Abril 13, 2005.
Juan 10:9: “Ako ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya’y maliligtas, at papasok at lalabas, at makasusumpong ng pastulan.”
Pahayag 11:15: “At humihip ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya’y maghahari magpakailan man.”
Itong lahat ay natupad sa Hinirang na Anak mula sa nagkasalang lahi ni Adan. Lahat ng bagay ngayon ay naibalik. Ang lahat ay manumbalik sa akin. Tapos na si Satanas sa mundong ito. Si Satanas ngayon, pagkatapos ng mensaheng ito, makikita ninyo, nakatali ang kanyang kamay sa kanyang likod. Ang pinantali ko ay ang buntot papunta doon sa bottomless pit. Itatapon ko siya doon kasama ng lahat ng mga anak niya na umuusig at nang-aakusa sa akin. Kaya sana, makinig kayo sa akin.
**********WAKAS************