Ni: Noli Liwanag
UMABOT sa 3,000 kabataan mula sa Sisters of Mary Boystown and Girlstown sa Silang, Cavite ang nakiisa sa Jr. NBA Philippines basketball clinics kamakailan.
Tinuruan ng mga Jr. NBA Coaches, sa pangunguna nina Natalia Dos Santos at Jeffrey Cariaso ang mga mga kabataan sa fundamentals ng shooting, passing, dribbling, defending at conditioning, habang naglaan ang Alaska at Gatorade ng kinakailangang nutrisyon at hydration sa mga kasali.
“Jr. NBA Philippines presented by Alaska distinguishes itself by reinforcing an active lifestyle and instilling positive values for kids while enjoying the game of basketball,” pahayag ni Dos Santos.
Nakatakda ring magsagawa ng basketball clinic ang Jr. NBA Philippines para sa Regional Selection Camps sa Lucena noong March 9-10, Baguio (March 23-24), Dumaguete (March 30-31), Butuan (April 13-14), at Metro Manila (April 26-27) kung saan pipiliin ang top 40 boys and 40 girls para sa National Training Camp sa Mayo 17-19.