Sa kabila ng pagiging nakamamatay na sakit, may mga paraan upang maiwasan ang breast cancer.
Ni: Jonnalyn Cortez
ANG breast cancer ang isa sa mga pangunahing nakamamatay na sakit sa mga kababaihan. Ang ganitong sakit ay namamana, dulot ng stess, ng pagkain na carcinogenic, at ng environmental toxins.
Paano ba maiiwasan ang breast cancer?
Wala nang mas bubuti pa sa pagkain ng masusustansya at pagkakaroon ng healthy habits. Dapat rin tigilan na ang paninigarilyo, pag-inom ng alak at pagkain ng mga junk food na hindi nakakabuti sa katawan.
Bawasan na rin ang mga maasukal na pagkain at piliing kumain ng gulay, organic proteins at healthy fats.
Ugaliin ding uminom ng maraming tubig at umiwas o bawasan ang stress sa pamamagitan ng meditation at pag-eeehersisyo.
Makakatulong din sa pag-iwas sa breast cancer ang pagbawas ng toxins sa iyong paligid na nakakasama rin sa kalusugan. Mula sa mga nakasanayang kainin at gamitin, maaaring pumili ng mga organic na pagkain at beauty products. Pwede mo ring gawing toxin-free ang iyong tahanan sa pagbawas ng exposure sa wi-fi at “cellphone electro-pollution.”
Ugaliin ding mag-detoxify upang malinis ang katawan. Maaaring mag fasting, enemas o magpakonsulta sa propesyonal na maaaring magbigay ng detox regimens. Bukod sa pag-iwas sa breast cancer, makakatulong din ang detox upang makapag-function ng mas maigi ang iyong bituka, atay at digestive system.
Hindi lamang breast cancer ang maaari mong maiwasan sa pagsunod sa mga tips na ito. Mapapanatili ring malusog ang iyong pangangatawan at makaiwas sa iba pang sakit.