Pinas News
Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na gagawin nila ang lahat ng legal remedies para maisalba ang Pinay na nasa death row sa Saudi Arabia.
Ito ay matapos pagtibayin ng Saudi Court of Appeals ang 2017 death sentence sa Pinay dahil sa pagpatay sa kanyang employer, tatlong taon na ang nakararaan.
Iginiit ng Pinay na self-defense lang ang kanyang ginawa.
Sinabi ng DFA na patuloy na binibigyan ng Philippine Consulate General sa Jeddah ng legal aid ang Pinay mula pa noong magsimula ang paglilitis rito.
Ayon kay Consul General Edgar Badajos, naisangguni na rin ang kaso ng Pinay sa Philippine Department of Justice, chair ng Inter-Agency Committee Against Trafficking (IACAT) dahil menor de edad ang Pinay nang ito ay marecruit.
Inirekomenda rito ang pagsasampa ng reklamo laban sa mga recruiter ng Pinay.
Matatandaang nitong Enero ay isang Pinay household worker sa Saudi ang binitay matapos mapatunayang guilty sa kasong murder noong 2015.