Maraming magandang dulot ang pagkain ng carrot sa katawan – hilaw man o luto.
Ni: Jonnalyn Cortez
ANG carrot ang isa sa pinakaginagamit na gulay, panluto man o salad. Maaari itong kainin ng hilaw, isangkap sa maraming lutuin, kahit pa nga juice, shake, o smoothie.
Bukod pa sa maraming gamit, marami ring magandang dulot sa katawan at kalusugan ang makukuha sa pagkain ng carrots, hilaw man o luto.
Sa katunayan, binansagang “perfect health food” ang carrot dahil sa mga bitaminang taglay nito, tulad ng beta-carotene, fiber, vitamin K, potassium, antioxidants, biotin, vitamin B6, alpha-carotene, lutein at iba pa.
Mainam ding pangpababa ng lebel ng cholesterol, pangpapayat at tumutulong i-improve ang kalusugan ng mata ang carrot. Ang nilalaman nitong carotene antioxidants ay tumutulong naman makaiwas sa pagkakaroon ng cancer.
Mainam ding source ng fiber ang naturang gulay, at ang hilaw na carrot ay nabibilang sa mababang rank ng glycemic index na sumusukat kung gaano kabilis pinapataas ng pagkain ang sugar pagkatapos kainin.
Inuugnay ang mga pagkain na may low-glycemin sa iba’t-ibang health benefits, partikular na para sa diabetes.
May pectin din ang carrot na pangunahing uri ng soluble fiber na kayang pabababain ang sugar level sa pamamagitan ng pagpapabagal ng pagtunaw ng sugar at starch.
Kaya ring i-feed ng carrot ang friendly bacteria sa katawan na maaaring mag-resulta sa pag-improve ng kalusugan at mabawasan ang posibilidad na magkaroon ng sakit.
May mga uri rin ng soluble fibers na kayang pigilan ang pag-absorb ng cholesterol mula sa digestive tract, na siya namang magpapababa ng cholesterol.
Ang mga pangunahing insoluble fibers ng carrot ay cellulose, hemicellulose at lignin. Binabawasan ng insoluble fibers ang risk ng pagkakaroon ng constipation at i-promote ang regular at healthy bowel movements.