SI Meng hawak ang ipinagkaloob sa kanyang plaka ng pagkilala.
Ni: Kristine Joy Labadan
ISANG toy company sa Amerika ang nagbigay parangal kay Maine “Meng” Mendoza bilang isa sa mga inspiring women ng Pinas.
Ito ay kaugnay ng selebrasyon ng ika-animnapung anibersaryo ng manikang si Barbie na idinaos ng Mattel Inc. at ng toy disributor sa Pilipinas na Richprime Global Inc.
“Thank you, Mattel and Richprime Global Inc., for this recognition and congratulations, @mainedcm. Continue to be an inspiration to everyone Nak. Congratulations,” pahayag ng manager ni Meng na si Rams David sa Instagram.
Ayon sa website ng Mattel Inc., ipinagmamalaki nila ang pagbibigay parangal sa mga babaeng ehemplo at magiging inspirasyon pa ng maraming kababaihan sa buong mundo.
Mula sa pagiging viral Internet sensation, si Meng ay isa ring endorser hindi lamang ng mga lokal na produkto kundi maging ng international brand na MAC.