Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
Ngayon tayo ay susunod sa Kanya. Dadaan tayo sa apoy. Dadaan tayo sa tubig. At sa pamamagitan ng ating malayang pagpili, tayo ay mananagumpay, gamit ang Hinirang na Anak bilang inyong Modelo, ang unang produkto ng kaligtasan.
Ngayon ay nakapagprodyus na Siya ng isang katawan na tunay na pagmamay-ari Niya. Nasubukan at napatunayan. Hindi Niya pinrodyus ang katawan na ganyan lang. Kanyang nilikha ang katawan na ito at Anak na ito, bagaman siya ay Anak, tagapagmana ng lahat ng bagay, siya ay natuto sa pagsunod sa mga bagay na kanyang dinanas.
Mga Taga-Galacia 4:
B-1 Nguni’t sinasabi ko sa samantalang ang tagapagmana ay bata, ay walang pagkakaibang anuman sa alipin bagama’t siya’y panginoon ng lahat;
B-2 Datapuwa’t nasa ilalim ng mga tagapag-ampon at ng mga tagapangasiwa hanggang sa panahong itinakda ng ama.
Hebreo 5:8 “Bagama’t siya’y Anak, gayon ay matuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis,”
Bagama’t ako ay isa nang Hinirang, kailangan ko pa ring dumaan sa apoy upang matutunan ang pagsunod. Ako ay nagpakasakit, hanggang ngayon ako ay ginawa upang magpakasakit, ngunit ‘yan ay bahagi sa pagiging Anak. Kayo rin ay bahagi sa pagiging mga anak na lalaki at anak na babae. Kayo ay dadaan sa tubig, at pagkatapos ay sa apoy. Kapag kayo ay ginto, hindi kayo takot sa apoy. Kapag kayo ay tunay, hindi kayo takot sa apoy.
ANG BERSYON NG DENOMINASYON AT RELIHIYON SA IKALAWANG PAGDATING
Ang bersyon ng denominasyon at relihiyon ng Ikalawang Pagdating, at maging sa Panahon ng Hudyo, ang kanilang bersyon sa Ikalawang Pagdating ay: Siya ay darating sa karangyaan at kaluwalhatian, gagapiin ang lahat ng mga kaaway sa pisikal, patayin silang lahat at pagkatapos ay magtatag ng Kaharian ng bansa ng Israel na magiging ibabaw sa lahat ng mga bansa sa mundo. Ang bersyon ng denominasyon at relihiyon ay magkapareho: palaging nakatunganga sa kalangitan, ang trumpeta ay tutunog. “Dahil ako ay Kristyano, ako ay naisilang muli,” kanila itong ipinahayag.
Sa Kapanahunan ng Simbahan, dala-dala nila ang Kanyang pangalan; dala dala nila ang Kanyang mga Salita. Palagi nilang tinutunghayan at palaging inaasahan na mapakinggan ang tinig ng trumpeta at pagkatapos, lahat ng naniniwala, silang lahat ay mga Kristiyano ay tataas at makakaroon ng maluwalhating katawan at lilipad upang salubungin Siya sa himpapawid. Maling interpretasyon, dahil mali ang inyong Jesus Christ sa inyong interpretasyon. Mali rin kayo sa interpretasyon ng Kanyang Ikalawang Pagdating.
ANG PAGSUNOD SA KALOOBAN NG AMA
Bago ang Kanyang pagdating, Siya ay naghahanap ng mga anak na lalaki at anak na babae, na malaya sa binhi ng ahas ng pagsuway, nagsisisi, nalinisan, ginawang banal, sumusunod lamang sa Kanyang Kalooban; lahat ay nasasakop sa ilalim ng paanan ng Anak. Ang laman, kapangyarihan, pera, sekularidad, ang lahat ay nasasakop sa ilalim ng kanyang paanan. Akala ninyo ako ay nasa laman dito, ang aking laman ay hindi napasakop sa Kanya? Nabubuhay ako bilang tao na kagaya ninyo, ngunit kapag papipiliin ninyo ako, lagi kong pipiliin ang Kalooban ng Ama anuman ang mangyari.
Nang ako ay kailangan nang gumawa ng desisyon sa limang taon, lagi akong inuudyok sa bawat araw na gumawa ng desisyon. Ang aking desisyon ay palaging tumalima sa Kalooban ng Ama. Tinakot ako ng demonyo ng maraming beses. “Papatayin kita.” Sabi ko, “Susunod pa rin ako sa Kanyang Kalooban, anuman ang mangyari.” Kaya ang kasabihan ng “Susunod ako sa Kalooban ng Ama, anuman ang mangyari” ay nabuo dahil sa ganyan.
Kunin lahat ng aking pera huwag ang aking kalayaan sa pagpili sa pagsunod sa Kalooban ng Ama anuman ang mangyari. May ibang tao na kapag sila ay naitulak sa pader dahil sa kapagsubukan at tukso, “Ah…ang aking katapatan ay nasa aking mga anak,” “Ang aking katapatan ay nasa aking mga magulang. Ang aking katapatan ay nasa aking mga materyal na bagay.”
Kapag kayo ay nasa desperadong sitwasyon, diyan makikita ang inyong tunay na buhay sa loob — ginto o kahoy, o dayami. Kapag ang apoy ay bumibisita sa inyo at kayo ay hindi tunay, kayo ay masusunog at kayo ay mawawala. Kaya ako ang inyong Modelo.
ANG TUNAY NA BERSYON NG IKALAWANG PAGDATING
Nang ang Ama ay nakapagprodyus ng Anak, siya ay hindi na isang bata na isinilang. Siya ay lumaki sa Tamayong sa espiritu at ngayon, ang Anak ay ibinigay sa mundo.
Nang idinulot ang Anak at sa panahon na Kanya ako tinawag, “Ngayon, ikaw ay aking Anak,” narinig ‘yan ng aking ina noong 1950, “Iyan ang aking Anak.” Nang ako ay lumaki sa Kanya, narinig ko ang Kanyang tinig, “Ikaw ang aking Anak,” Iyan ang simula ng Ikalawang Pagdating. Ito ang bersyon ng Ikalawang Pagdating ng Anak. Ito ang tunay na bersyon. Maniwala man kayo o hindi, ito ang tunay na bersyon ng Ikalawang Pagdating.
Kaya nang marinig ko ang Kanyang tinig na nagsabi, “Ikaw ay aking Anak,” simula noon, hindi na ako nakakarinig ng Kanyang tinig sa labas ko, na karaniwan kong narinig sa limang taon sa pamamagitan ng mga bisyon, kapahayagan, panaginip at naririnig na tinig. Hindi ko na Siya marinig. Kaya tinanong ko Siya, “Anong nangyari Ama? Hindi na ako nakakakita ng mga milagro.” Sa loob ng limang taon ay nasanay na ako nito. At nagustuhan ko ito dahil iyon ang mga taon ng aking pagsasanay sa espiritu na siyang nagdala sa akin sa estratospera ng karanasan ko sa espirituwal na hindi nararanasan ng sinumang tao sa mundo ngayon, ako lamang.
At pagkatapos niyan, hindi ko na narinig ang Kanyang tinig. Kaya tinanong ko Siya, “Anong nangyari?” “Anak, ang lahat ay tapos na, ang iyong pagsasanay. Kaya hindi mo na narinig ang tinig ko. Nasa loob mo na ako. Ikaw na ngayon ang aking Templo. Ikaw na ngayon ang aking Tahanan. Ikaw na ngayon ang aking Bahay.
Sa wakas ay makarating na siya at nagkaroon na ng isang bahay kung saan Siya ay mananahan at ang Anak na ‘yan ay magiging tagapagmana ng lahat ng mga bagay.
Pahayag 21: 7: “Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito: at ako’y magiging Dios niya, at siya’y magiging anak ko.” Iyan ang Anak.
(ITUTULOY)