Ni: Aileen Lor
MADALAS nating marinig ang kasabihang “Laughter is the best medicine”. Ang pagtawa ay mabisang pantanggal ng stress at lungkot ng isang tao. Marami ng mga pag-aaral na nagpapatunay na maraming magandang naiidulot sa katawan ng isang tao ang pagtawa.
Narito ang ilang dahilan na may magandang dulo ang pagtawa, ayon sa caregiver.com.
- Makakaiwas sa pagkakaroon ng high blood pressure ang pagtawa dahil nakakapasok sa ating katawan ang oxygen na kailangan sa magandang pagdaloy ng dugo.
- Ang magandang daloy ng dugo sa ating mga ugat, ay makakatulong upang maiwasan ang heart attack at iba pang cardio vascular related problems.
- Nakakawala ng sakit na nararamdaman ang lubusang pagtawa. Ayon sa mga pag-aaral, ang taong tumatawa ay nakakaramdam ng relaxation na umaabot ng hanggang 45 minuto.
- Tinuturing din naman na magandang exercise ang pagtawa. Nakakatulong ito sa pagtunaw ng mga calories sa katawan ng isang tao. Dahil dito, ito ay tinaguriang “inner jogging.”
Ilan lamang ang naihanay sa magagandang dahilan na naidudulot ng pagtawa. Pinatutunayan din ng pagtawa na nagdudulot ito ng maganda at positibong pananaw sa isang tao. Sinasabing magandang bonding din ang pagtawa kasama ang iyong pamilya, kaibigan at mga mahal sa buhay. Pansamantalang nakakatulong malimutan ang problema at karamdamang iniinda ng isang tao.
Kaakibat ng pagiging positibo sa buhay ang pagiging masiyahin. Isa ang mga Pinoy na kilalang pinaka masayahing mga tao dahil sa kabila ng mga problemang nararanasan, nakukuha pa ring tumawa.
Ayon sa datos ng United Nations, umangat ang ranggo ng bansang Pilipinas mula sa pang 71st at ngayon ay pang 69th na ito sa mga masayahin sa buong mundo. Ang iskor na 5.631 ngayong taong 2019 ang naging dahilan kung bakit naungusan ng Pilipinas ang Southeast Asia countries gaya ng Malaysia, Indonesia, Vietnam, Laos, Cambodia at Myanmar.
Sinasabi ng ilan na masarap sa pakiramdam tumawa pero masama kung walang kasama. Kung ikaw ay may iniindang problema, laging isa-isip ang kasabihang “Laughter is the best medicine.”