ANG Pag-asa Island, na bahagi ng Spratly Islands group na pinag-aagawan ng maraming mga bansa sa Southeast Asia.
Ni: Quincy Joel Cahilig
MULI na namang ipinakita ng China ang pagiging agresibo nito sa pag-angkin sa mga isla at karagatang pagmamay-ari ng Pilipinas. Sa isang ulat ng militar, makikita na pinapalibutan ng daan-daang mga sasakyang pandagat ang Pag-asa Island, na bahagi ng lalawigan ng Palawan.
Tinawag ng Department of Foreign Affairs na “illegal” ang pag-“swarm” sa naturang dako ng mga Chinese vessels, na aabot ang kabuuang bilang na 275 mula Enero hanggang Marso.
Sa kabila ng pagsiguro ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na hindi armado ang mga fishing vessels na namataan, tinukoy ng think tank na Centre for Strategic and International Studies (CSIS), na ang mga barkong namataan ay binubuo ng navy, coastguard, at fishing boats. Batay sa satellite images na kanilang nakalap, nagsimula noong Disyembre ang pagpapadala ng China ng mga vessels sa naturang dako.
Ayon naman kay analyst Richard Heydarian, marami sa mga sasakyang pangdagat ay mula sa Chinese People’s Liberation Army at layunin ng mga ito na pigilan ang Pilipinas na makapagtayo ng mga structures sa isla.
“This is not really helpful to President Duterte because he is trying very hard to sell his rapprochement to China to the Philippine people, including to the Philippine military, which remains very skeptical of China,” wika ni Heydarian.
Sa kasalukuyan sumasailalim sa rehabilitasyon ang mga structures sa Pag-asa Island, kabilang dito ang isang runway. Ang isla ay bahagi ng Spratly Island group na matagal na panahon nang pinag-aagawan ng iba’t-ibang mga bansa gaya ng China, Vietnam, Malaysia, Philippines, Brunei, at Taiwan. Sinasabing mayaman sa natural gas ang Spratlys.
PERSONAL na inimbitahan ni Chinese President Xi Jinping si Pangulong Rodrigo Duterte para daluhan ang 2nd Road and Belt Forum sa Beijing ngayong Abril, kung saan maaaring talakayin ang usapin sa West Philippine Sea.
Duterte to China: ‘Pag-asa is ours’
Kung noon ay tila “friendly” ang tono ng Duterte administration sa issue sa West Philippine Sea, tila palaban na ang naging mga pahayag ng pamahalaan sa ginagawang pangangamkam ng China sa mga teritoryo ng bansa.
Sa isang pagkakataon, sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China na lubayan ang Pag-asa Isand.
“I’m trying to tell China: ‘Yung Pag-asa is ours. We have been there since 1974. Kung inyo ‘yan, bakit hindi ninyo pinaalis kami?” sabi ni Duterte sa isang kampanya ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
“Let us be friends, but do not touch Pag-asa Island and the rest, Pag ‘yan ang ginalaw ninyo, ibang istorya na ‘yan. Sabihin ko sa mga sundalo ko, ‘Prepare for suicide mission,'” dagdag nito.
Sa kabila ng magandang relasyon ngayon ng dalawang bansa, ani Duterte, maaari itong magbago kapag may sinaktan ang China na Pinoy.
“I said that is part of the conflict because they have gobbled up the whole of China Sea. Para sa kanila, kanila ‘yan. So they feel free to roam around and do whatever, but they actually never harmed or arrested any Filipino. I am sure that it has something to do with the greater game of geopolitics and it is not directed to us. And I assure you that if they kill or arrest people there who are Filipinos, then that would be the time that we will have to decide on what to do,” wika ng Pangulo.
Subali’t nilinaw ni Duterte na hindi niya hinahamon ang China kundi pinapayuhan lamang.
“This is not a warning; this is just a word of advice to my friends, kasi kaibigan tayo ng China. So nakikiusap ako. I will not plead or beg, but I’m just telling you that lay off the Pag-asa because may mga sundalo ako diyan,” aniya.
Sinabi naman ng Malacañang na walang dahilan para palibutan ang mga islang occupied na ng Pilipinas at binigyang diin na hindi tutulutan ng Duterte administration na panghimasukan ng mga Chinese ang teritoryong pagmamay-ari ng bansa.
Wika ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, patuloy na tututulan ng gobyerno ang paglalayag ng mga Chinese vessels sa karagatan ng Pilipinas sa pamamagitan ng paghahain ng diplomatic protests.
“We will object to their presence. We have already filed a diplomatic protest and that applies to everything, anything that concern Chinese vessels in our territory,” wika ni Panelo. “They should leave, they have no business being there. They cannot be staying there forever.”
“We remain steadfast in maintaining our claims with respect to our territory and exclusive economic zones pursuant not only to the said arbitral judgment based on accepted principles of public international law but consistent with the directives of our Constitution and the aspirations of the Filipino people,” aniya.
Sinabihan din ni Panelo ang China na iwasang gumawa ng mga hakbang na maaring makasama sa mga mangingisdang Pilipino na namamalakaya sa mga teritoryong pinagtatalunan, bagay na makapagdudulot umano ng di magandang epekto sa “friendly relations” at “bilateral negotiations” ng dalawang bansa.
“If they continue to be present in our territory then it is an assault to our sovereignty,” sabi ni Panelo.
Inaasahan na pag-uusapan ang naturang isyu sa 2nd Belt and Road Forum na dadaluhan ni Pangulong Duterte ngayong Abril. Noong Nobyembre, personal na inimbitahan ni Chinese President Xi Jinping ang Pangulo na daluhan ang naturang pagpupulong na isasagawa sa Beijing.
SINA dating foreign secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio Morales, na kamakailan ay kapwa nagsampa ng reklamo laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court dahil sa pang-aagaw ng China sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Gamitin na ang The Hague ruling vs. China
Tinawag ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na “solid” ang claim ng Pilipinas sa Spratly islands batay sa historical at legal na mga ebidensya.
“Despite the pronouncement of the Chinese Foreign Ministry, we stand on solid ground on our claims in the Spratlys and the West Philippine Sea. There is the 1981 UNCLOS (United Nations Convention on The Law of the Sea) of which China is a signatory, that gave the Philippines an EEZ (exclusive economic zone) of 200 nautical miles,” sinabi niya sa harap ng media.
Dagdag ni Lorenzana, mas pinatibay pa ng Permanent Court of Arbitration (PCA) ruling noong July 12, 2016 ang claim ng Pilipinas, na tuluyang nagbasura naman sa Nine-dash Line historical claim ng China.
“There is the PCA ruling of July (12) 2016 which invalidated the Chinese historical claims. In short, the Chinese have nothing working for them except their imagined historical claim,” binigyang diin ni Lorenzana.
Subali’t nagpasya noon si Pangulong Duterte na isantabi muna ang verdict ng International arbitration court upang isulong ang magandang ugnayan ng Manila at Beijing para sa bilateral ties tungo sa ikalalago ng ekonomiya. Nguni’t sinabi ng Pangulo na gagamitin din niya ang The Hague ruling sa tamang panahon.
Para kay dating foreign secretary Albert del Rosario, ito na ang tamang panahon para gamitin ng Duterte admin ang nasabing ruling sa gitna ng agresibong pagkilos ng China sa West Philippine Sea. Dapat na aniyang gumawa si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. ng mga recommendation hinggil dito.
“What is currently notable is that Beijing is now clearly revisiting its excessive and unlawful claim in the South China Sea that has been ruled upon by the arbitral tribunal whose ruling is now an integral part of international law. At the same time, amid aggressive moves by our northern neighbor in such areas as Pag-asa, in other areas and in other issues, it may be the right time to finally unshelve our arbitral outcome, enabling our SFA to develop recommendations for our President’s consideration,” pahayag ni del Rosario.
Naniniwala si del Rosario at si Ombudsman Conchita Carpio Morales na ngayon na nga ang best time para isulong ang resulta ng arbitral tribunal outcome. Kapwa nila sinampahan ng reklamo for crimes against humanity sina Chinese President Xi Jinping at ang iba pang Chinese officials sa International Criminal Court dahil sa usapin sa West Philippine Sea.
Sa ruling ng PCA, walang basehan umano ang China na gamitin ang Nine-dash Line claim nito sa West Philippine Sea at sinabing nilabag ng Beijing ang sovereign rights ng Pilipinas. Sinabi rin ng korte na hindi mga isla kundi mga bato o reefs lang ang kontrolado ng China, na hindi nabibigay ng territorial rights sa kanila. Subalit hindi tumalima ang China sa naturang ruling at inakusahan pa ang mga hukom ng tribunal na tumatanggap ang mga ito ng suhol mula sa Pilipinas para ibasura ang claims nito sa West Philippine Sea.