• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - December 11, 2019

PINAS

Ang kahalagahan ng kaluluwa ng tao (Ikalimang bahagi)

Sonspeak

Recent News:

  • Pilipinas tunay na world class ang talento
  • Sino ang mananagot?  
  • Pangalan ng susunod na PNP chief, hintayin na lang – Malakanyang
  • Promulgation sa kasong Maguindanao Massacre, itinakda ng korte sa Disyembre a-19
  • Panibagong explosive device, natagpuan sa Maguindanao
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Internasyonal
  • Probinsyal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • Buhay
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • OFW
  • Opinyon
  • Lathalain
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Ang pagsikat ng women’s volleyball sa Pilipinas: Isang pagbabalik-tanaw

April 16, 2019 by Pinas News


`

Ni: Dennis Blanco

ANG larong volleyball ay isa sa mga pinakasikat na laro ngayon sa Pilipinas lalong-lalo na sa mga kababaihan, ano man ang kanilang edad at katayuan sa lipunan. Kaya’t di maikakaila na ito ay humahanay na sa larong basketball kung ang pagbabatayan ay ang dami ng mga nanonood at tagasubaybay nito. Nandiyan na rin ang mga nagsusulputang mga amateur collegiate volleyball leagues tulad ng Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP), at ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) at ang mga semi-professional leagues gaya ng Philipppine Volleyball League (PVL) at ang Philippine SuperLiga (PSL) na nagsisilbing plataporma para sa mga manlalarong kababaihan ng volleyball na ipakita ang kanilang husay sa paglalaro ng Volleyball.

Ang larong volleyball ay naimbento ni William G. Morgan noong 1895 sa Young Men’s Christian Association (YMCA) sa Holyoke, Massachusetts at mabilis na lumaganap bilang isa sa pinaka-popular na sport sa buong mundo. Sa Pilipinas, ito ay pinakilala ni Elwood S. Brown isang physical director sa YMCA.

Nagsimula itong laruin bilang backyard sport at nang lumaon ay nilalaro na sa mga buhanginan ng dalampasigan. Kinailangan nilang magtayo ng dalawang puno ng niyog na nagsisilbing magkabilang poste na kung saan ang net ay isinasampay. Ang volleyball ay nilalaro ng isa laban sa isa, isa laban sa lima o isa laban sa sampu (Philippine Volleybal Federation, 2016).

Ang Pilipinas ang isa sa mga unang bansa na naglaro ng volleyball noong 1920s at 1930s nang dalhin ito ng mga Amerikano dito sa atin kasama ng basketball at (McDougal, 2011).

Matatandaan na bago pa man tayo naging mahilig sa basketball, ay nauna muna ang hilig natin sa paglalaro ng volleyball.  Malaki din ang naging impluwensiya ng Pilipinas sa paglalaro nito. Halimbawa, ang tinatawag ngayong “spike” ay nagmula sa imbensiyon ng mga Pilipino noon na tinawag na “bomba” na nagpabago sa laro ng volleball na ginawa sa Amerika pero na-revolutionize sa Pilipinas (Frank, 2003).

Sa ngayon, sila Alyssa Valdez, Mika Reyes, Myla Pablo, Jaja Santiago, Rachel Daquis at Isa Molde ay mga household names na rin katulad ng ibang sikat na basketball players sa Philippine Basketball Association (PBA). Subalit bago pa man ang kanilang pagsikat, ay mayroon ng Liz Masakayon na itinuturing na isa sa pinakamagaling na babaeng manlalaro ng volleyball na nagmula sa Pilipinas. Bagama’t siya ay isang Fil-American, ipinanganak siya sa Pilipinong magulang sa Quezon City. Bagamat hindi siya nakapaglaro sa pambansang koponan ng Pilipinas, siya ay naging miyembro ng 1984 United States Olympic Team. Dati rin siyang nakapaglaro sa University of California in Los Angeles (UCLA) at hinirang na Female Athlete of the Year ng nasabing pamantasan (Franks, 2010).

Sa kasalukuyan, ay nangangailangan pa ng mas madaming Liz Masakayon para magwagi sa mga regional competition kalaban ang mga malalakas na koponan tulad ng China, Japan, South Korea at Thailand, ganun na rin sa international competition na kung saan tayo ay makikipagsabayan sa mga pinakamagagaling na bansa sa mundo sa larangan ng volleyball tulad ng United States, Russia, Brazil at Cuba.

Related posts:

  • Batas Militar: Diskurso, Metodolohiya at ang Mensahe ng Kasaysayan (Pangalawang Bahagi)
  • Pangalagaan ang Karapatan ng mga Bata
  • Ang larong basketball at ang pagkamakabansa
  • Ang Sustainable Development Goals 2030: Malaking hamon sa sangkatauhan
  • Labanan ang human trafficking

Opinyon Slider Ticker Alyssa Valdez brazil China Cuba Dennis Blanco Isa Molde Jaja Santiago Japan Liz Masakayon Mika Reyes Myla Pablo National Collegiate Athletic Association (NCAA) Philippine Basketball Association (PBA) Philippine SuperLiga (PSL) Philipppine Volleyball League (PVL) PINAS Rachel Daquis Russia South Korea Thailand United States Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP) University of California in Los Angeles (UCLA) William G. Morgan Young Men’s Christian Association (YMCA)

Reader Interactions

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2019 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.