SMNI NEWS
TULUYAN nang sinampahan ng kaso ng aktres na si Aiko Melendez ang vice governor ng Zambales na si Angelica Magsaysay-Cheng.
Kasunod ito ng umano’y tahasang pagdawit ng kampo ng vice governor sa pangalan ni Aiko bilang sangkot sa droga sa ilang public viewing nito sa kasagsagan ng election period.
Pormal na isinumite ni Aiko ang kaniyang reklamo sa Olongapo Regional Trial Court.
Magugunitang kabilang ang kasintahan ng aktres na si Subic Mayor Jay Khonhun at ang ama nitong si Zambales First District Congressman Jeffrey Khonhun sa inilabas na narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.