TINGNAN natin ang kapangyarihan ng dila. Ang pinakamalinaw na pruweba ng kapangyarihan ng dila ay makikita sa mga epekto ng mga salita sa mga tao. Walang makapagpasigla sa ating mga puso higit pa sa wagas at taos puso na pag-ibig at pagtanaw. Walang makapagpasakit higit pa sa malupit na mga salita ng mapait na pamimintas at pagpapahiya. Ang mga salita ay maibabaon ng mas malalim kaysa sa kutsilyo. Bantayan ang inyong dila.
Juan 6:63, 68
63 Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang binibigkas ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay.
Kaya narito kayo buhay na buhay dahil sa mga Salita ng Hinirang na Anak.
68 Sinagot siya ni Simon Pedro, Panginoon, kanino kami magsisiparoon? Ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan.
Inililipat ko ‘yan sa inyong lahat na mga mamamayan sa Kaharian.
ANG KAPANGYARIHAN NG SALITA
Proverbs 15: 2
2 Ang dila ng pantas ay nagbabadya ng tuos ng kaalaman: nguni’t ang bibig ng mga mangmang ay nagbubugso ng kamangmangan.
Proverbs 15: 4
4 Ang dilang magaling ay punong kahoy ng buhay: nguni’t ang kalikuan niyaon ay kasiraan ng diwa.
Proverbs 15: 7
7 Ang mga labi ng pantas ay nagsasabog ng kaalaman: nguni’t ang puso ng mangmang ay hindi gayon.
Proverbs 16: 23-24
23 Ang puso ng pantas ay nagtuturo sa kaniyang bibig, at nagdaragdag ng katotohanan sa kaniyang mga labi.
24 Mga maligayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa kaluluwa at kagalingan sa mga buto.
Tingnan ninyo kung gaano kamakapangyarihan ang mga salita. Dahil sa kapangyarihan ng mga salita, kayo ay nabuhay sa espiritu. Si Jesus Christ nang siya ay sumigaw, “Lazarus, bumangon ka.” Ang patay ay nabuhay. Nang ako, ang naririnig na tinig ng Ama na napapakinggan sa buong mundo kabilang kayo anong nangyari, ang aking mga salita ay nagpapabuhay sa inyo, nabubuhay kayong muli. Bakit?
Hebreo 4:12: “Sapagka’t ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kaysa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.”
MAGING MAINGAT SA MGA SALITA
‘Yan ang kapangyarihan ng Salita ng Panginoon na nanggagaling hindi lamang sa papel kung saan ito isinulat. Ngayon ito ay may buhay dahil kapag ang Salita ay nagawang tao sa pamamagitan ng Hinirang na Anak at kapag ihahatid ko ito sa inyo, ito ay makapangyarihan, kayo ay nabubuhay ng dahil diyan. Kaya maging maingat sa inyong mga salita, maging maingat sa inyong dila, isaalang-alang ang inyong mga salita sa kahatulan.
Nais ng ating Dakilang Ama na maunawaan natin na kailangang gamitin natin ang ating mga salita ayon sa anumang ikabubuti ng layunin o sa Kalooban ng Ama o kung hindi ay mananagot tayo sa Araw ng Paghuhukom.
Mateo 12: 36-37
36 At sinasabi ko sa inyo, na ang bawa’t salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom.
37 Sapagka’t sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal…
Ganito kamakapangyarihan ang mga lumalabas sa inyong bibig.
…at sa iyong mga salita ay hahatulan ka.
Maging maingat sa inyong mga salita, maging maingat sa anumang lumabas sa inyong dila.
Mateo 5:22
22 Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, na ang bawa’t mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib ng apoy.
1 Juan 3:15
15 Ang sinomang napopoot sa kaniyang kapatid ay mamamatay-tao: at nalalaman ninyong sinomang mamamatay-tao ay hindi pinananahanan ng buhay na walang hanggan.
ANG KASALANAN NG DILA
Kahit ang pagkakapoot na walang dahilan at pagkatapos ay lumalabas sa inyong bibig ay napakapanganib ayon sa Kalooban ng Dakilang Ama, ayon sa Kanyang mga Salita. Marami sa inyo ay hindi inosente sa kasalanan ng dila. Ngunit ngayon ang petsa ng hangganan ng ating dila kagaya ito sa hangganan ng lahat ng mga taong hindi nagbibigay ng kanilang ikapu sa Hunyo 29, kayo ay hindi tutungo sa Langit.
Mga Taga-Efeso 4:31
31 Ang lahat ng kapaitan, at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala:
Kay Tito 3:2
2 Na huwag magsalita ng masama tungkol sa kanino man, na huwag makipagtalo, kundi magpakahinhin, at magpakahinahon sa lahat ng mga tao.
Ang evil-speaking ay numero unong kasalanan ng dila. Ang ikalawa ang backbiting. Huwag ibuka ang bibig upang mag-backbite sa iba ngunit bagkus ay buksan ito upang magtatag ng kaginhawaan at kapayapaan. Ito ang kailangan upang makapasok sa Kaharian ng Langit. Alam ba ninyo kung ano ang ugali ng backbiters? Sila ay mabuti sa harap ninyo, ngunit kapag sila ay tumalikod, magsasalita sila ng masama sa inyo. Iyan ang ugali ng backbiters.
Kung kayo ay backbiter, magsisi ngayon dahil hindi kayo tutungo sa langit kung ganyan kayo. Ang backbiting ay ikalawang kasalanan ng dila.
Psalm 15:1-3
1 Panginoon, sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo? Sinong tatahan sa iyong banal na bundok?
2 Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran, at nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso.
3 Siyang hindi naninirang puri ng kaniyang dila, ni gumagawa man ng kasamaan sa kaniyang kaibigan, ni dumudusta man sa kaniyang kapuwa.
Psalm 101:5
5 Ang sumisirang puri na lihim sa kaniyang kapuwa ay aking ibubuwal: siya na may mapagmataas na tingin at may palalong puso ay hindi ko titiisin.
Mga Taga-Roma 1:28-32
28 At palibhasa’y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios, ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip, upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat;
29 Nangapuspus sila ng buong kalikuan, ng kasamaan, ng kasakiman, ng kahalayan; puspos ng kapanaghilian, ng pagpatay sa kapuwa tao, ng pagtatalo, ng pagdaraya, ng mga kasamaan; mga mapagupasala
30 Mga mapanirang puri, mga napopoot sa Dios, mga manglalait, mga palalo, mga mapagmapuri, mga mangangatha ng mga kasamaan, mga masuwayin sa mga magulang,
31 Mga haling, mga hindi tapat sa tipanan, mga walang katutubong paggiliw, mga walang habag:
32 Na, bagama’t nalalaman nila ang kautusan ng Dios, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapatdapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon.