DZAR 1026
INATAKE ang American actor at former California governor na si Arnold Schwarzenegger ng isang lalaki nang bumisita ang aktor sa South Africa.
Nangyari ito sa Sandton Convention Center sa Johannesburg sa isinagawang Arnold Classic Africa, isang multi-sport event.
Makikita sa kumakalat na video sa online na kinuhanan ni Arnold ang rope-skipping competition sa isang phone nang may lalaking lumapit sa kanyang likurang bahagi at bigla na lamang nitong niliparan ng malakas na sipa ang 71-year old actor.
Kaagad namang dinaklot ang lalaki ng otoridad at inilayo ito sa eksena.
Hindi naman natinag ang aktor sa ginawang pagsipa at ilang sandali lang ay ginabayan na rin ito palayo.