PASTOR Apollo nagbigay ng treats sa mga underprivileged na mga bata sa isang Birthday bash sa Quezon City.
Pinas News
Binigyan sila ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang founding President ng CJFI ng isang birthday bash na hindi nila makalilimutan.
Ginawang isang masayang lugar ang pasilidad ng child care center na puno ng iba’t ibang booths na nagbibigay ng walang katapusang suplay ng mga kendi, tinapay, ice cream at marami pang iba.
Sa pagsimula ng selebrasyon, nagparada ang mga bata sa kanilang komunidad suot ang kanilang mga costume. Pagkatapos ay nagsasaya ang mga bata sa paglaro ng parlor games habang ang iba ay sumasayaw at kumakanta.
MALAGARBONG set-up ang hinanda para sa mga bata ng Visayas region sa Palawan
Dumating din ang mga clown para magbigay katatawanan sa mga bata.
Tunay na lumalaganap ang pag-ibig ni Pastor Apollo para sa mga bata kungsaan isa lamang ang E-TRADE, isang BPO company, sa maraming mga kumpanya ang nagbigay suporta para sa pangangalaga sa mga batang sawing palad sa CJFI child care center. Mahigit sa kalahating dekada na ang pagsuporta ng kumpanya sa mga adbokasiya ng CJFI.
Herbert Genorga Customer Service Manager, E-Trade. Naniniwala si Pastor na ang bawat bata ay nararapat lamang na bigyan ng lahat ng pag-ibig na kanilang matatanggap.
Kaya sa kada-Abril 25, kaniyang inilaan ang araw na ito bilang adoptive birthday ng lahat ng mga bata sa mundo sa pamamagitan ng pagbibigay ng taos-puso at katangi-tanging treat upang sa pagdating ng panahon, hindi nila makalilimutan na ibahagi ang kaparehong uri ng pag-ibig sa iba na ibinigay sa kanila na walang hinihiling na kapalit.