SMNI NEWS
MAY “top secret” project ang Canadian singer na si Justin Bieber sa Youtube.
Inanunsyo ng Youtube na may plano itong isang project na kasama ang grammy-winning Canadian pop star na ilalabas sa susunod na taon ngunit wala ng ibang detalye patungkol sa Beiber special ang ibinunyag ng Youtube.
Unang sumikat si Justin sa pamamagitan ng pag-post ng kanyang performance sa Youtube.
Nag-release ang Canadian singer ng kanyang debut song noong 2009.
Nag-top sa pop charts ang kanyang mga kanta kagaya ng Sorry at Boyfriend hanggang sa makahakot ng Grammy Award at gumawa ng world tour concerts.