KAABANG-ABANG kung sino ang susuwertehing magdadala ng pelikulang Darna.
Ni: Sam Gutierrez
BINUKSAN na sa publiko ang auditions para sa gaganap sa susunod na Darna.
Inanunsyo ng production house na Star Cinema na hindi lang magiging limitado sa Star Magic Artist ang auditions para sa susunod na Pinay superhero.
Ang naturang pagbubukas ng role ay kasunod ng pag-atras ni Liza Soberano sa pelikulang Darna bunsod ng isang finger injury.
Sa susunod na taon inaasahang ilalabas ang much awaited film na Darna.