SMNI NEWS
PUMANAW na ang kinilalang legendary actress at singer na si Doris Day sa edad na 97 sa kanyang tahanan sa Carmel Valley, California.
Kinumpirma ito ng Doris Day Animal Foundation na nagsabing nasawi siya dahil sa sakit na pneumonia.
Si Doris Day ay isa sa mga pinakamalaking star noong 1950s at 1960s at sumikat dahil sa mga comedic roles na kaniyang ginampanan.
Sa huling mga taon ng kanyang buhay ay naging animal rights advocate ang aktres at itinatag nito ang Doris Day Animal Foundation kasama ng kanyang mga malalapit na kaibigan.
Hiniling naman ni Doris na sa kanyang paglisan ay walang gaganaping funeral o memorial services at walang grave marker na ilalagay sa kanyang libing.
Si Doris ay sumikat at naging box-office draw at recording artist. Kabilang dito ang Pillow Talk at That Touch Of Mink, mga pelikulang di maliĀlimutan at sa kanyang mga kanta kagaya ng Whatever Will Be, will be (Que Sera, Sera) na mula sa Alfred Hitchcock film na The Man Who Knew Too Much.