Si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang mga winning senatoriables ng PDP-Laban.
Ni: Quincy Joel V. cahilig
MATAGUMPAY at payapang naisagawa ang midterm elections nitong Mayo 13, bagama’t nagkaroon ng mga aberya sa ilang lugar at delay sa transmission ng mga resulta. Gayon pa man, nagampanan naman ng milyon-milyong botanteng Pilipino ang kanilang obligasyon at naipahayag ang kanilang boses sa pagpili ng mga senador at mga local government officials na maglilingkod sa bayan.
Ang 12 senador na nahalal ay yaong mga kaalyado ng kasalukuyang administrasyon. Marami ang naniniwala na ang pagkapanalo ng mga sinoportahang senatoriables ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ay patunay ng mataas na kumpiyansa ng mga Pinoy sa liderato ng Pangulo at kagustuhang maipagpatuloy niya ang mga repormang isinusulong.
Ang mga naiproklamang senador na manunungkulan hanggang Hunyo 2025 ay ang mga re-electionists na sina Cynthia Villar, Grace Poe, Sonny Angara, Koko Pimentel, at Nancy Binay; mga nagbabalik-senado na sina Lito Lapid, Pia Cayetano, at Ramon Bong Revilla, Jr.; dating Ilocos Norte governor Imee Marcos, dating Metro Manila Development Authority chairman Francis Tolentino, former chief ng PNP at Bureau of Corrections Bato Dela Rosa, at ang former special assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go.
“The victory of the administration’s candidates and the shut-out of the Otso Diretso candidates sends a strong message that our people yearn for stability and continuity of the genuine reforms that the administration started. They yearn for a constructive – not obstructionist – Senate, which will help in crafting the President’s legislative agenda,” wika ni Salvador Panelo, spokesman ng Presidente.
Sa kabila ng maingay na pagbanat ng mga kandidato ng oposisyon sa iba’t-ibang mga isyu, tulad ng extra judicial killings, TRAIN Law, at West Philippine Sea tensions, kay Pangulong Duterte noong panahon ng kampanya, pinili pa rin ng majority ng mga botante ang 12 kandidato na susuporta sa legislative agenda ng Pangulo.
“Undoubtedly, the Duterte magic spelled the difference. The overwhelming majority of the electorate had responded to the call of the President to support those whom he said would help pass laws supportive of his goal to uplift the masses of our people and give them the comfortable lives they richly deserve,” wika ni Panelo.
Sa kabila nito inirerespeto pa rin umano ng administrasyon ang karapatan ng mga kritiko na maipahayag ang kanilang opinyon dahil pinalalakas nito ang demokrasya ng bansa. Subali’t ang kalooban pa rin ng mamamayan ang mananaig.
Ngayong tapos na ang halalan, nanawagan ang Malacañang ng suporta at pagkakaisa para sa patuloy na pag-unlad ng bansa.
“With the successful holding of the elections, we have demonstrated to the world that we have a great order for democracy that can rise above the loud political noise,” wika ni Panelo. “We only have one government and one nation. Together, let us support it for the betterment of the Philippines that we all love.”
HINDI MAGIGING RUBBER-STAMP
Siniguro ni Senate President Vicente Sotto na magiging independent ang Senado sa kabila ng pagdami ng kaalyado dito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak naman ni Senate President Vicente Sotto III na pananatilihin ng Senado ang independence nito sa kabila ng pagdami ng kaalyado ng administrasyong Duterte sa Senado.
Ito ay sa gitna ng pangamba ng marami na baka maging “rubber-stamp chamber” ang Senado, na aaprubahan ang anumang panukalang nais na maipatupad ng Malacañang.
Sa ilalim ng Saligang Batas, ang Senado ang isa sa tatlong sangay ng gobyerno na magsisiguro ng balanse ng kapangyarihan sa pamamagitan ng checks and balances. Bukod sa paglikha ng mga batas, may kapangyarihan ang Senado na siguruhing patas ang pagbubuwis, magsagawa ng mga investigation kontra katiwalian, i-monitor ang policies, actions, at programs ng executive branch, at aprubahan ang mga international treaties na nilalagdaan ng pamahalaan.
Binigyang diin ni Sotto na mananatiling transparent, sincere, at independent ang Senado sa 18th Congress.
“I really doubt it. I seriously doubt it will happen. First of all, ang leadership hindi kapartido ng Presidente. We would like to maintain, and if our leadership is retained, an independent, transparent and sincere Senate, like what we had done in the 17th Congress,” sabi ni Sotto.
PET BILLS DI BASTA-BASTA IPAPASA
Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.
Sinegundahan ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang pahayag ng Senate president. Aniya, dadaan pa rin sa pagsusuri ng Senado ang mga pet bills ng administrasyon.
“When we see an administration-led measure that is good for the people then we support it, but if we see it needs further study and debate then we won’t force it or rush into it,” Zubiri added.
Ilan sa mga inaasahang tatalakayin sa Senado sa 18th Congress ay ang divorce, death penalty, federalism, Trabaho Bill (Train 2), at PH-China joint exploration sa West Philippine Sea. Naunang ipinahayag ng kampo ng Pangulo ang kagustuhan na maipatupad ang mga naturang measures.
Mariing pinunto ni Sotto na ipapasa ng Senado ang mga panukala base sa kanilang merits at hindi dahil sa inindorso ang mga ito ng Pangulo.
“Kung, let’s say sabihin mo na dahil gusto ng Presidente ganito, ganitong batas, kung talagang mabuti naman at maganda, bakit hindi? Pero kung ipipilit lang na alam namin makakasama, I doubt kung papasa sa amin. Dahil sa Senate hindi ka puwede mag-ram through like for example sa House (of Representatives),” wika ng Pangulo ng Senado.
Samantala, sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, gagawin lahat ng mga kasapi ng kanyang bloc ang lahat upang bantayan ang independence ng Senado.
“But if the Senate becomes a rubber stamp, we assure our people that we will not be a part of it. That will be the decision of the majority,” ani Drilon.
“Having said that, I have no doubt that any reorganization in the Senate will need the President’s blessing,” dagdag niya.
Isang independent Senate din ang inaasahan ng Malacañang sa pagbubukas ng 18th Congress. At naniniwala ang administrasyong Duterte na gagawin ng mga senador kung ano ang tama at nararapat para sa bayan kahit ano pa man ang kanyang kinabibilangang partido.
“The history of the Senate shows members of that chamber independent ever since. No Senate has ever been under any President. They always rise above parties and considerations when issues involve national interest, national security, and the interest of the Filipino people,” wika ni Panelo.