SMNI NEWS
SA kabila ng pag-diskwalipika sa kaniya ng COMELEC, itinuloy pa rin ng aktor na si Edu Manzano ang pagboto sa Xavier School, sa San Juan City.
Si Manzano ay tumatakbo sa pagka-congressman sa lungsod ng San Juan kung saan katunggali ang bigating politiko na si Rep. Ronnie Zamora.
Kamakailan idineklara ng COMELEC ang pagiging American citizen ni Manzano na dahilan ng kaniyang diskwalipikasyon.
Paliwanag ng COMELEC, hawak ng aktor ang dual citizenship o pagiging “citizen of the Philippines at ng United States Of America.”
Pero ayon kay Manzano, nag-abiso na siya sa US Embassy na bibitawan na ang kanyang US citizenship dahil kakandidato siya.
Aminado ang aktor na hindi pa siya dumaan sa proseso ng pagpirma sa oath of renunciation.n