FRANK Vogel
SMNI NEWS
OPISYAL nang pinangalanan si Frank Vogel bilang bagong head coach ng Los Angeles Lakers matapos ang dalawang araw nang pag-uusap ng dalawang panig patungkol sa mga tuntunin nito.
Inanunsyo ng koponan ang pagtatalaga kay Vogel ngayong Martes at magkakaroon ng press conference sa darating na Mayo 20.
Pumirma si Vogel ng tatlong taon kontrata para sa Lakers.
Ngunit wala pang malinaw na detalye kung kukunin din ng Lakers si Jason Kidd bilang bahagi ng coaching team nito.