Mga lugar na magandang bisitahin upang maging cooler ang iyong summer.
Ni: Ana Mae Alpuerto
SUMMER na naman at sobrang init na kaya ang sarap magtampisaw sa tubig o magbabad sa swimming pool o bathtub upang maibsan ang init. Masarap din pumunta sa mga beach ngayong tag-init kaya naman hinanap namin ang mga popular na beach resort na dinarayo ng mga sikat na artista pati na rin ng mga foreign artists.
Ang Pilipinas ay isa sa mga paboritong puntahan ng mga turista hindi lang dahil sa magagandang tanawin dito at mga sikat na pasyalan, ngunit dahil sa mga magagandang beach dito at ang magiliw na pagtanggap ng mga Pilipino sa mga bumibisita sa ating bansa.
Narito ang ilan sa mga sikat na mga beach na swak sa summer wanderlust natin.
“Mayroong 7,107 na isla ang Pilipinas at maraming magagandang tropikal beaches dito at ang pinaka sikat sa mga ito ay ang Boracay.
Ngunit alam nyo ba na marami na ring mga bisita sa bansa ang nakaranas na ng kakaibang kagandahan ng Cabgan Island na matatagpuan sa tahimik na bayan ng Barobo sa Surigao del Sur. Ito ang tunay na kahulugan ng isang birhen na isla. Walang anumang komunidad na naninirahan dito, bagaman maaari mong makita ang isa o dalawang bahay sa likod ng mga puno.
Ang Cabgan Island ay may mahaba, malinaw at asul na tubig. Ang baybayin ay may linya ng mga niyog at iba pang mga katutubong puno. Habang naglalakad ka sa baybayin, makakakita ka ng mga kabibe, mga prutas at maliliit na sea urchin. Ang islang ito ay halos isang oras ang layo mula sa port sa Barobo.
Ngunit, hindi lang ito ang isla sa paligid. Maaari mo ring mapuntahan ang Turtle Island at Vanishing Island, na lumilitaw lamang sa panahon ng pagtaas ng tubig.
Ang Cabgan Island ay isa sa mga pinakamagagandang beach na hindi madalas bisitahin. Ito ay perpekto lalo na para sa mga biyahero na nais galugarin ang mga hindi pa nagagalaw na lokasyon o mga naghahanap ng isang beach na tahimik para sa simpleng kamping.
Ang Isla Bantayan naman sa Cebu ay nahahati sa tatlong munisipyo: ang gitna at kanlurang bahagi ay pinangalanang Bantayan (kapareho ng pangalan ng pulo), ang hilagang bahagi ng Madri dejos, at sa silangang bahagi, ang Santa Fe.
Makalipas ang 30 minutong biyahe mula sa baybayin ng Santa Fe, matatagpuan mo ang isa sa mga pinaka ideal na lugar bakasyunan.
Dumako naman tayo sa Mindoro na matatagpuan sa timog-kanluran ng Luzon at hilaga-silangan ng Palawan kung saan makikita ang White Beach na may mala pulbo at malakristal na buhangin , malinaw at asul na tubig, ang isa sa pinakamagandang beach na aking nakita.
Ang tahimik na dalisdis ng tubig na dahan-dahang dumadampi sa iyong mga paa mula sa dalampasigan at ang napakagandang tanawin sa paglubog ng araw ang siyang magpapakalma sa iyong isipan. Kabilang sa iba pang mga popular na gawain dito ay ang parasailing, island hopping, at diving.