SMNI NEW
SINURPRESA nina singer Joe Jonas at actress Sophie Turner ang lahat nang magpakasal ang dalawa sa Las Vegas matapos ang Billboard music awards 2019 kamakailan.
Kinuhanan ng live video ang nasabing seremonya ng music producer at DJ na si Diplo kung saan makikita sa streaming ang dalawa na nag-exchange vows sa harap ng isang Elvis impersonator.
Nakilala si Sophie sa kanyang role bilang Sansa Stark ng smash hit TV series na Game of Thrones habang si Jonas ay isang member ng award-winning pop rock band na The Jonas Brothers.
Inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement noong 2017 matapos ang masalimuot nilang relasyon.