SMNI NEWS
NAGBUKAS ng kanilang bagong adobo restaurant ang mag-asawang Judy Ann “Juday” Santos at Ryan Agoncillo sa harap ng De La Salle University sa kahabaan ng Taft Avenue.
Tampok ng Angrydobo Restaurant ang mga kilalang Filipino dishes na pinakakaabangan ng mga fans ng cooking show ni Juday sa Youtube.
Inanunsyo ng celebrity couple sa social media na sa soft opening ng kanilang restaurant ay personal nilang pagsilbihan ang mga walk-in guests.