SMNI NEWS
NAKATAKDANG tumanggap ng Contemporary Icon award ang American singer at actor na si Justin Timberlake sa 50th Annual Induction Gala ng Songwriters Hall of Fame. Gaganapin ito sa Hunyo 13 sa Marriott Marquis Hotel sa New York City.
Ang award ay pagkilala ng nasabing organisasyon kay Justin bilang isang songwriter-artist na may iconic status na sa pop culture.
Iniugnay si Justin kina Michael Jackson at George Michael na ginawaran ng nasabing award dahil sa musika ng mga ito nakagawa ng tatlo o apat na most influential album sa loob ng 15 taon.
Si Justin ay may 32 million albums sold worldwide, 10 Grammy Awards at 8 Number One Billboard Hits na siya mismo ang sumulat.