
Sen. Joel Villanueva: Isinusulong ng OSH Law ang kaligtasan ng mga manggagawa mula sa mga kapanganiban tulad ng lindol.
Ni: Quincy Joel Cahilig
SUNOD-SUNOD ang nararanasang lindol sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas buhat nang yanigin ng 6.1 magnitude earthquake ang Luzon nitong Abril 22, na nagdulot ng pinsala sa mga infrastructure at pagkasawi ng ilan.
Madaming natakot sa malakas na lindol, lalo na ang mga empleyadong nagtatrabaho sa matataas na gusali sa Ortigas, Taguig, Manila, Quezon City, at Makati. Magmula noon, marami sa kanila ang di maiwasang mangamba para sa kanilang kaligtasan sa tuwing may balitang paggalaw ng lupa.
Kung tatanungin ang mga eksperto, hindi naman dapat ipagtaka ang nararanasang mga pagyanig ng lupa nitong mga nagdaang araw dahil ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire. Ito ang horseshoe-shaped na active belt ng mga tectonic plates, mga bulkan, at earthquake epicenters sa Pacific basin, na may haba na 40,000 kilometers. Kaya ang palaging payo nila, gawing bahagi ng lifestyle ang paghahanda sa lindol.
Nguni’t sa kabila ng nakaambang panganib na ito sa araw-araw, tuloy pa rin ang takbo ng buhay para sa mga Pinoy. Lalo na para sa mga manggagawang hindi pwedeng magpadaig sa takot dahil kailangang kumayod para may maipangtustos sa pangangailangan ng sarili at ng pamilya.
Osh Law Kailangan Sundin
Para sa kay Senador Joel Villanueva, kailangang tiyakin ang kaligtasan ng mga manggagawa sa kanilang workplace. Ito ang isinusulong ng bagong batas na kanyang akda– ang Republic Act 11058 o Occupational Safety and Health (OSH) Law.
Sa ilalim ng OSH Law, minamandohan ang mga employers na pangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng mga empleyado nila upang maiwasan ang mga aksidente at panganib sa trabaho.
“The law is clear. The right of workers to safety and health at work is guaranteed,” wika ni Villanueva, chairman ng Senate committee on labor, employment and human resource development.
Ipinahayag ito ng mambabatas matapos makatanggap umano ng mga ulat na pinabalik agad sa loob ng gusali ang mga empleyado ng malls at mga call centers ilang minuto lamang pagkatapos ng Luzon earthquake.
Personal din aniyang nasaksihan ang isang insidente sa Mandaluyong kung saan narinig niya ang isang marshal na pinababalik ang mga nag-evacuate na office workers sa loob ng opisina nila sa isang mataas na gusali 30 minutes pagkatapos ng lindol.
“The building was over 20 stories high. It’s quite unlikely they’ve inspected the structure thoroughly,” aniya. “At the very least, the response of marshals in these incidents show that much needs to be done in disaster preparedness. We need to heighten our awareness on what to do when disasters strike, and that includes exerting a lot of effort in protecting the welfare of our workers.”
“We can’t simply expect our employees to march back to their workstations or to the shop floor without management and safety experts conducting a walkthrough of the facility to assess its structural integrity. Sadly, we learned that some offices did just that. We should remind them that the welfare of workers is always of paramount concern. Places of work are the second home of our workers,” binigyang diin ni Villanueva.
Pinagtibay noong August 2018, pinapatawan ng naturang batas ang mga lalabag na kumpanya ng multang hanggang P100,000 araw-araw hangga’t di nito maitatama ang mga OSH violations na ipapataw ng mga inspectors ng Department of Labor and Employment (DOLE)
Pinapahintulutan din ng batas ang DOLE officials at representatives na pasukin ang mga opisina sa anumang oras upang ma-check ang kalagayan at tiyaking sinusunod ng mga kumpanya ang mga probisyon ng batas.
Dagdag pa ng mambabatas na sa oras ng panganib, kinakailangang itigil ang operasyon hangga’t masiguro na ligtas na para makapagtrabaho muli ang mga empleyado.
“They have the right not to work and report this to the Department of Labor and Employment. There must be coordination on the relationship of the employees and employers. If the employees do not feel they are safe, they can always call DOLE. The safety and health of the workers is paramount,” wika ni Villanueva.
Taon-taon ay nagsasagawa ng earthquake drill ang mga private and government offices upang paghandaan ang panganib na dala ng malakas na lindol.
Aniya, ang pagtitiyak ng workplace safety ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga empleyado, business sector, at ng lokal na pamahalaan. May sakuna man o wala, dapat aniyang maramdaman ng isang manggagawa na ligtas siya sa lahat ng oras sa work area.
Mandatory Disaster Protocols
Sa kabila ng umiiral na OSH Law, nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na ito na nga ang panahon upang balangkasin ang mandatory workplace emergency standards para sa rank-and-file workers.
Ayon kay TUCP President Raymond Mendoza, sa ngayon ay wala pang existing government mandatory standards na tumutugon sa naturang aspeto sa mga kumpanya, lalo na sa mga panahon ng kalamidad gaya ng lindol.
Aniya pa, bagama’t may evacuation protocols, safety officers, at evacuation plans ang mga responsableng mga kumpanya, marami pa ring mga employer ang wala ng mga ito.
“Because there are no specific mandatory guidelines regarding such life and death scenarios, there is a very urgent need to create a regulation or mandatory policy standards or protocols now that protects the workers’ health and safety and guides employees and employers on what to do when emergencies, disasters and calamities occur during working hours,” ani Mendoza.
Dagdag pa niya, kailangang gumawa ng specific implementing rules and regulations sa ilalim ng OSH Law para maiwasan ang kalituhan sa hanay ng mga manggagawa.
“Most of the victims in workplace disasters are the rank-and-file employees (cashiers, casino employees, salesladies, security guards) who were made to hang on to their work and remain in their stations waiting for specific orders from managers, supervisors and company owners amid the quickly evolving mishap. A split-second delay in reaction to such dangerous situations further exposes workers to workplace death and injury,” sabi ng TUCP President.
Ipinapakita ng mga kawani ng Armed Forces of the Philippines ang medical response para sa isang biktima ng lindol sa isang earthquake drill.
Pagtugon sa hamon ng lindol
Positibo naman ang tugon ng Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) sa panawagan ng TUCP na magbalangkas ng safety protocols. Sa katunayan, isa ito sa mga priority agenda ng grupo ng mga employers sa bansa sa National Conference of Employers (NCE) ngayong Mayo.
Aminado si ECOP Chair Emeritus Francis Chua na wala pang protocol na nabuo ang organisasyon sa pagtugon sa kalamidad dahil maayos namang ipinapatupad ng pamahalaan ang mga batas hinggil dito.
“We need to convene, and make this (new safety protocols) one of our priority agendas in our NCE this May,” wika ni Chua.
Dagdag niya, laging nakahandang tumulong ang kanilang mga direktor at miyembro sa mga empleyadong apektado ng mga kalamidad.
Nakatakdang idaos ng ECOP ang 40th NCE, na may temang “Future Proofing Business and Industry”, sa Marriott Grand Ballroom sa Mayo 28-29. Inaasahan ng marami na maisasagawa nila ang mga tamang aksyon para sa hamon ng lindol at iba pang kalamidad sa mga workplace sa bansa.