NILIKHA ng Ama ang sangkatauhan o ang tao para sa Kanyang sariling kaluwalhatian at para sa Kanyang sariling layunin. Ngunit ang lahat ng bagay ay napunta sa salimuot nang ang masamang espiritu na dati ay isang anghel ng kaliwanagan ay dumating at sinira ang lahat ng plano ng Ama para sa sangkatauhan.
Kaya nakikita natin ang kasalimuotan at kaguluhan ngayon dito sa mundo. Ito ay dahilan sa pagiging diyos ng tao sa kanyang sarili at kinikilala ang masama at mabuti ayon sa kanila.
ANG MODERNONG NOAH
At ito ang likha ng kaaway na gumagawa ng mga kultura, bansa, lahi, relihiyon na maghihiwalay sa lahat ng mga tao at sa bawat dibisyon na ito ay nagsimula sa mga bansa, rasa, relihiyon, kultura na may magkaibang ideya at pag-unawa ng ano ang mabuti at masama. Kung kaya, nakikita nating ang mundo ay nasa kaguluhan. Ngunit ang orihinal na plano ng Ama para sa sangkatauhan ay naipanumbalik na nang ako ay Kanyang tinawag, anim na taon sa dalawang bundok at ibinuhos sa akin kagaya ng Kanyang ibinuhos ang lahat ng Kanyang plano kay Noah nang tinawag Niya siya para sa kaligtasan na tinawag natin ang pagtayo ng arko at ang kawasakan ng lahat ng may buhay dahil sila ay naging masama.
Ngayon mayroon tayong modernong Noah sa katauhan ng Hinirang na Anak na pinagtitipon-tipon ang lahat ng Kanyang mga anak para sa isang layunin: upang ipakikita sa sangkatauhan kung paano natin tratuhin ang bawat isa. Ganito dapat ang relasyon natin sa Dakilang Ama at kasabay na maaari Niya tayong gamitin na maging tagapag-asikaso ng Kanyang mga nilikha na siyang ang planetang earth at kasabay ng mayroon tayong relasyon sa bawat isa at ang tali na siyang nagbubuklod sa atin ay walang iba kundi ang banal na pag-ibig na dumating mula sa ating Dakilang Ama.
ANG PAGPAPATOTOO SA KABUTIHAN NG AMA
Kaya inibig natin ang bawa’t isa, inibig natin ang Panginoon ng buo nating puso at pinapalawig natin ang Kanyang Kalooban dito sa mundong ito ngayon. Kaya ang bawat isa sa atin na naging Kingdom citizens ay naging liwanag ng mundo, naging liwanag at asin ng mundo. Bawat isa sa atin ay dapat mayroon sariling testimonya — testimonya kung gaano kadakila ang Ama sa ating mga buhay at ang testimonya ay hindi maging makapangyarihan maliban na lang kung kayo ay magpapatotoo patungkol sa Kanyang kabutihan nang tayo’y Kanyang tinawag na maisilang na muli sa espiritu ng pagsusunod sa Kalooban ng Ama.
Ang unang bagay na Kanyang babaguhin sa atin ay hindi lamang ang ating espiritu na magbago pati na rin ang ating pag-iisip at kung paano tayo mag-isip ay dapat na magbago at ito ang mahalaga sa Ama. Kapag binago Niya ang inyong espiritu, Kanyang babaguhin ang inyong pag-iisip at Kanyang babaguhin ang inyong pananalita. Kayo ay magpatotoo gamit ang lengguwaheng ‘yan at hindi lamang sa tatayo kayo at manatiling tahimik. Gamitin ang inyong dila sa pagsasalita para lamang sa kabutihan ng Dakilang Ama.
ANG MAKAPANGYARIHANG PARTE NG KATAWAN
Ang dila ay isang maliit ngunit makapangyarihang parte ng katawan, ang negatibong mapamuksang kakayanan nito ay kagaya ng isang apoy na kahit ito ay ginamit sa ilalim ng makokontrol na kalagayan, maaaring magbigay ito ng hindi maganda bagay na maging dahilan ng malaking kasiraan ng buhay at pag-aari. Gayunpaman, kapag ang ating dila ay napailalim sa Kalooban ng Ama, ito ay magiging isang malaking pagpapala. Ito ay maaaring magamit sa pagpapatibay at magbigay kaginhawaan sa iba at magbigay ng papuri.
Kagaya nito ang apoy. Ang apoy ay may malaking kapakinabangan kapag ginamit ninyo ito sa tama at may responsibilidad. Ang dila ay kagaya ng apoy. Ang bawat isa ay may sariling apoy, ang bawat isa ay may sariling dila.
Santiago 3: 3-12; “Kung atin ngang inilalagay ang mga preno ng kabayo sa kanilang mga bibig, upang tayo’y talimahin, ay ibinabaling din naman natin ang kanilang buong katawan.”
Lagyan ng brida ang dila ng kabayo upang ito ay susunod sa iyo. Maaari ninyong mapapihit ang buong katawan ng malaking kabayo dahil sa dila nito.
(4) Narito, ang mga daong naman, bagama’t lubhang malalaki at itinutulak ng malalakas na hangin, gayon ma’y sa pamamagitan ng isang lubhang maliit na ugit ay napapabaling kung saan ibig ng tagaugit.
NAPAKALIIT NGUNIT MAKAPANGYARIHAN
Ang timon ng Bangka ay napakaliit, ngunit mapapapihit nito ang bangka saan man gusto itong ipihit ng kapitan.
(5) Gayon din naman ang dila ay isang maliit na sangkap, at nagpapalalo ng malalaking bagay. Narito, kung gaano kalaking gubat ang pinagaalab ng lubhang maliit na apoy!
Maingat sa inyong dila. Maaari ninyong masunog ang buong lungsod niyan.
(6) At ang dila’y isang apoy: ang sanglibutan ng kasamaan sa ating mga sangkap ay dili iba’t ang dila, na nakakahawa sa buong katawan, at pinagningas ang gulong ng katalagahan, at ang dila’y pinagniningas ng impierno.
(7) Sapagka’t ang bawa’t uri ng mga hayop at mga ibon, ng mga nagsisiusad at mga bagay sa dagat, ay pinaaamo, at napaaamo ng tao:
(8) Datapuwa’t ang dila ay hindi napaaamo ng sinomang tao’ isang masamang hindi nagpapahinga, na puno ng lasong nakamamatay.
(9) Siyang ating ipinagpupuri sa Panginoon at Ama; at siyang ating ipinanglalait sa mga taong ginawang ayon sa larawan ng Dios:
(10) Sa bibig din lumalabas ang pagpuri’t paglait. Mga kapatid ko, ang mga bagay na ito ay hindi nararapat magkagayon.
(11) Ang bukal baga’y sa isa lamang siwang ay binubuksan ng matamis at mapait?
(12) Maaari baga, mga kapatid ko, na ang puno ng igos ay magbunga ng aseitunas, o ng mga igos ang puno ng ubas? Hindi rin naman babalungan ng matamis ang maalat na tubig.
(ITUTULOY)