SMNI NEWS
MAGSASAMANG muli ang tinaguriang Philippine Concert King and Queen na sina Martin Nievera at Pops Fernandez sa isang concert tour sa Amerika at Canada ngayong taon.
Muling magtatanghal sa iisang stage ang concert royalties sa darating na Agosto hanggang Setyembre ngayong taon.
Ang naturang concert tour ay pinamagatang Two-Gether Again 2019 kung saan nakatakda nilang bisitahin ang nasa 15 siyudad kabilang na ang Las Vegas at Los Angeles.
Nakilala ang singing tandem nila Martin at Pops sa kanilang duets sa mga love song classics na Forevermore, Goodbye, at Nandito Ako.n