PINOY cyclist Ismael Grospe Jr.
SMNI NEWS
ITINANGHAL na King of the Mountain ang Pinoy cyclist na si Ismael Grospe Jr. matapos manguna sa Dien Bien Phu 2019 International Race kamakailan.
Lumahok din ang mga rider na sina Daniel Ven Carino at Ean Cajucom sa 4 – Day Bikathon sa Vietnam.
Nasa 2nd place naman si Jericho Jay Lucero sa final stage kasunod ng Vietnamese rider na si Huynh Thanh Tung.
Ani Jeremy Go, head ng Go for Gold Developmental Cycling Team, na pinatunayan lang ng mga young cyclist na may ibubuga ang mga Pinoy sa world stage.n